Lalaki, naaktuhang kinuha ang pinto ng isang shop para mapakain ang asawang buntis

Lalaki, naaktuhang kinuha ang pinto ng isang shop para mapakain ang asawang buntis

- Isang lalaki ang nahuling kumuha umano ng pinto ng isang shop sa Barangay 201

- Sa labas ng isang printing shop at pagawaan ng motorcycle barrier ay may pintong nakalagay sa tabi

- Paliwanag ng suspek, akala niya raw ay hindi na gagamitin ang pinto dahil nasa labas na ito

- Dagdag niya pa, ibebenta niya sana ang pinto para may mapakain sa misis niyang buntis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang construction worker ang pinaghinalaang nagnakaw umano ng isang pinto para kumita ng pera.

Nalaman ng KAMI na naaktuhan ang construction worker na kinukuha niya ang pinto.

Lalaki, naaktuhang kinuha ang pinto ng isang shop para mapakain ang asawang buntis

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kinuha ng lalaking may alyas na Jay ang pinto sa labas ng isang printing shop at pagawaan ng motorcycle barrier sa West Service Road, Brgy. 201.

Plano sanang isakay ng suspek ang pinto sa isang motorsiklo na minamaneho ng isa pang lalaki. Subalit, agad itong nahuli ng mga manggagawa roon sa lugar.

Nakatakas din ang lalaki na naka-motorsiklo habang dinadala si Jay sa presinto.

Paliwanag naman ni Jay, akala niya ay hindi na kailangan ang pinto dahil nakalagay na ito sa labas. Kaya naman, kinuha niya ito upang ibenta sana sa halagang P200. Ipambibili niya sana ito ng pagkain para sa misis niyang buntis.

Ngayong may pandemya sa bansa, nawalan ng trabaho bilang construction worker si Jay. Plano rin sana nilang umuwi ng Bicol pero nahinto ang Balik Probinsya program.

Naki-usap si Jay na iurong na lang sana ang sinampang kaso laban sa kanya. Subalit, pag-iisipan pa ito ng may-ari dahil nais din nitong maturuan ng leksyon ang suspek.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa tindi ng kahirapan ngayon at marami ang nawalan ng trabaho, kanya-kanyang paraan na nga ang mga Pinoy para kumita at makabili ng pagkain.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang 60-anyos na lola ang inaresto matapos umano nitong magnakaw ng luncheon meat, tsokolate, at body spray sa isang convenience store.

Samantala, isang 53 anyos na lolo naman ang nahuli ring nagnakaw ng dalawang lata ng luncheon meat. Nagmakaawa naman ito na patawarin sana siya ng may-ari.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel