Magsasakang may kapansanan, hinangaan dahil sa kanyang pagsusumikap sa buhay

Magsasakang may kapansanan, hinangaan dahil sa kanyang pagsusumikap sa buhay

- Naging viral sa social media ang isang magsasakang may kapansanan dahil sa kanyang kasipagan

- Tila hindi naging hadlang sa magsasaka ang kanyang sakit upang magpurisgi sa buhay para sa pamilya niya

- Kahit maliit ang kita sa pagsasaka ay nabuhay naman niya nang maayos ang tatlo niyang anak

- Hangang-hanga naman ang mga netizens sa kasipagan ni Tatay Samuel Baluso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa social media ngayon ang isang magsasaka na kahit may kapansanan ay patuloy ang pagsusumikap sa buhay.

Nalaman ng KAMI na kahit may kapansanan siya ay nagagawa niya pa ring buhayin ang mga anak niya.

Magsasakang may kapansanan, hinangaan dahil sa kanyang pagsusumikap sa buhay
Larawan mula sa Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ng ABS-CBN News, si Tatay Samuel Baluso ay mayroong polio. Sabi niya, 3 taong gulang pa lang siya ay nagkaroon na siya ng sakit na ito.

Upang makalakad, sinusuotan na lang niya ng tsinelas ang mga kamay niya at ito na rin ang ginagawa niyang paa.

Kahit maliit lang ang kita niya sa pagsasaka, ito naman ang bumuhay sa kanila ng kaniyang tatlo pang anak.

Hanga naman ang Municipal Agriculture Office at mga netizens sa kasipagan niya sa buhay at pagsusumikap.

Hiling ni Tatay Samuel, matulungan sana siya at mabigyan ng kapital para hindi na siya mangungutang sa tuwing magtatanim siya.

Samantala, narito naman ang komento ng mga netizens sa galing at kasipagan ni Tatay Samuel:

“napaka sipag ni tatay nakaka proud ang ganitong tao. God bless you tatay sanay gabayan kau ng maykapal.”
“Saludo ako sayo tatay. Naway magsilbi kayong huwaran sa mga taong nawawalan ng pag-asa sa buhay. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.”
“God bless you tatay! Ipag pray ko po kayo. Saludo po ako sa inyo! Ang lakas nyo po.”
“saludo po ako sau tatay. mabuhay ka, at mga taong lumalaban para sa pamilya nila. isa po kayong huwaran.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panahon ng pandemya ngayon, tila maraming mga Pilipino nga ang nakaranas ng matinding kahirapan at gutom. Subalit, marami ring mga Pinoy ang patuloy ang pagsusumikap sa buhay para sa pamilya nila.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang magsasaka ang nagmagandang-loob na ipamigay nang libre ang tanim niyang kalabasa dahil maraming mga kababayan niya ang nagugutom at walang makain.

Samantala, ang mag-asawang magsasaka naman sa South Cotabato ay napagtapos na ang anak nila sa pag-aaral at ngayon ay isang ganap na doktor na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)

Hot: