Nasawing biktima sa Beirut, nakakuha pa ng video bago ang pagsabog

Nasawing biktima sa Beirut, nakakuha pa ng video bago ang pagsabog

- Nakakakilabot ang video na kumalat sa social media na kuha umano ng isa sa mga nasawing biktima ng "twin blast" sa Beirut, Lebanon

- Sa unang bahagi ng video, maririnig pa ang pagtangis ng isang babae na tila ba nagdadasal

- Nakuhanan pa nga nito ang dambuhalang usok dulot ng nasusunog na gusali bago ang napakatinding pagsabog at pagyanig

- Matapos nito ay hindi na narinig pa ang mga boses sa likod ng camera at makikita pa ang pagtilapon ng cellphone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakakilabot ang video na kumalat sa social media na kuha umano ng isa sa mga nasawing biktima ng "twin blast" sa Beirut, Lebanon.

Sa video na in-upload ni Muhammad Najem, sinabi nito na ang video ay kuha ilang sandali bago ang napakatinding pagsabog doon.

Nasawing biktima sa Beirut, nakakuha pa ng video bago ang pagsabog

Photo from Facebook
Source: Getty Images

Sa kasamaang-palad ay nasawi raw ang kumuha ng video na ito.

Sa unang bahagi ng video, maririnig pa ang pagtangis ng isang babae na tila ba nagdadasal. Ramdam din ang takot at pangamba nito. Isang lalaki rin ang maririnig na posibleng siyang kumuha ng video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakuhanan pa nga nito ang dambuhalang usok dulot ng nasusunog na gusali bago ang napakatinding pagsabog at pagyanig.

Matapos nito ay hindi na narinig pa ang mga boses sa likod ng camera at makikita pa ang pagtilapon ng cellphone.

Nangyari ang pagsabog maghahatinggabi ng August 5 (oras sa Pilipinas) sa isang port area sa Beirut.

Ayon sa mga awtoridad ng Lebanon, nagmula ang pagsabog sa isang bodega na naglalaman ng tone-toneladang ammonium nitrate na ginagamit upang makagawa ng pataba.

Sa lakas ng pagsabog, ilang gusali ang gumuho at mayroon nang naitalang mga namatay at libo-libo ang nasugatan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, mayroon nang naitalang dalawang overseas Filipino worker (OFW) na nasawi dahil sa insidente.

Isang OFW naman ang hinangaan matapos iligtas ang kanyang mga alaga bago inisip ang sariling kaligtasan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang video na kumalat, isang photoshoot naman para isa isang bride ang naapektuhan dahil sa pagsabog sa Beirut.

Ayon sa gobyerno ng Lebanon, mananagot ang mga kasalanan sa kalunos-lunos na pangyayaring ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel