Duplicate at 'di kwalipikadong beneficiaries ng SAP, nabuko ng DSWD

Duplicate at 'di kwalipikadong beneficiaries ng SAP, nabuko ng DSWD

- Nasa tatlong milyong beneficiaries ng Social Amelioration Program o SAP ang inalis ng DSWD

- Ito ay matapos madiskubre ng DSWD na ang mga ito ay duplicate lang o kaya naman ay 'di kwalipikado

- Ayon sa datos, halos 700,000 na duplicate ang nadiskubre habang mahigit 200,000 naman ang 'di kwalipikado

- Sabi naman ng DSWD, nasa 70 porsiyento na ang naibigay na ayuda mula sa 2nd tranche ng SAP para sa mga mamamayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasa tatlong milyong beneficiaries ang inalis ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa listahan ng makakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program o SAP.

Ito ay matapos madiskubre ng DSWD na ang mga ito ay duplicate lamang o kaya naman ay 'di kwalipikado.

Duplicate at di kwalipikadong beneficiaries ng SAP, nabuko ng DSWD

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Batay sa inilabas na datos ng DSWD, lumalabas na nasa 675,933 ang duplicate habang 239,859 naman ang hindi kwalipikadong makatanggap, ayon sa report ng "ONE Balita Pilipinas" ng News5.

Mayroon naman 58,725 na nagbalik ng kanilang ayuda.

Sinisikap naman ng DSWD na matapos na ang pamimigay ng ikalawang tranche ng ayuda para sa mga mamamayan.

Nasa 70 porsiyento na raw ng SAP 2 ang naipamahagi ng DSWD.

Ang SAP ay cash emergency subsidy program para sa mga Pilipinong apektado ng enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Ito ay sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 2020.

Pinangunahan ito ng DSWD katulong ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Finance (DOF), Department of Budget and Management (DBM), at Department of the Interior and Local Government (DILG).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng pagsusumikap ng pamahalaan na maibigay ito sa mga naghihirap na Pinoy dulot ng pandemya, hindi pa rin nawala ang mga kontrobersyal na balita kaugnay nito.

Katulad na lamang sa Cebu City kung saan naiulat na mayroong 2-anyos na bata ang nakalistang makatanggap ng SAP.

Habang sa QC naman, isang mag-balae ang nahuli ng mga awtoridad matapos gamiting puhunan sa droga ang ayudang natanggap nila.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel