Mag-asawang nakatira lang noon sa tagpi-tagping tent, muling nabigyan ng tulong

Mag-asawang nakatira lang noon sa tagpi-tagping tent, muling nabigyan ng tulong

- Muling nadalhan ng tulong ang mag-asawang nakatira lamang noong sa sira-sirang tent sa Kalibo, Aklan

- Matatandaang napagawan ng bahay ang mag-asawa sa tulong ng Hepe ng pulisya sa Kaibo at ng 'Pobreng Vlogger' na si Archie Hilario

- Nakalimutan na raw kasi noon ng mga anak ang mag-asawang senior citizen na noo'y nagtitiis tumira sa sira-sirang tent

- Ngayon, maayos parin ang kanilang tirahan at maging ang mga anak na sinasabing tila nakalimot na ay may maayos nang komunikasyon sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mag-asawang nakatira lang noon sa tagpi-tagping tent, muling nabigyan ng tulong

Lola Salodacion (Screengrab from Archie Hilario - Pobreng Vlogger)
Source: UGC

Napaiyak sa sobrang tuwa si Lola Salodacion, ang matandang natulungan ng 'Pobreng Vlogger' na si Archie Hilario.

Matatandaang sina Lola Salodacion at kanyang mister ang natulungan ni Hilario noong Nobyembre ng nakaraang taon na maiayos ang lagay matapos nilang mapag-alaman na sa sira-sirang tent lamang nakatira ang mag-asawa.

Nalaman ng KAMI na kalunos-lunos noon ang kalagayan ng mag-asawang senior citizen na kinalimutan na raw ng kanilang mga anak.

Halos wala ring makain ang mag-asawa nang madatnan nila Hilario. Kaya naman mapapansing nakukuha na lamang nilang manigarilyo dala ng gutom.

Pangangalakal noon ang kanilang ikinabubuhay na hindi sasapat upang makakain silang mag-asawa ng maayos sa araw-araw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

May isa silang anak noon na namamasukan ngunit may pamilya na rin daw itong binubuhay kaya naman hindi na rin sila umaasa rito.

Sa pagbisita muli ng grupo ni Hilario sa mag-asawa, mapapansing di hamak na mas maayos na ang kalagayan nila ngayon.

Nagkaroon na rin ng komunikasyon si Lola Salodacion sa kanyang anak na nasa Japan na hindi pa lang makauwi sa Pilipinas dahil sa pandemya. Sumusuporta na rin ang anak nilang ito sa kanila.

Labis na nagpapasalamat ang matanda sa pagbisita nina Hilario at may mga dala pa ang mga ito na bigas at grocery items upang hindi na mamroblema sa kakainin ang mag-asawa lalo na at hindi pinahihintulutang lumabas ang senior citizens na tulad nila.

Talagang napakwento pa si Lola Salodacion kay Archie na animo'y na-miss nila ang isa't isa.

Paliwanag ni Archie, naalala niya ang mag-asawa lalo na at tumatagal ang pandemya ng COVID-19 at sinisiguro lamang niya na maayos pa rin ang lagay ng mga ito.

Ibinalita na rin niya na nalipat na ang hepe ng pulisya sa lugar na tumulong sa pagpapatayo noon ng bahay ng mag-asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Natuwa sina Hilario at ang mag-asawa sa muli nilang pagkikita at laking pasasalamat nilang maayos ang kalagayan ng bawat isa.

Kilala si 'Pobreng Vlogger' sa pag-alalay sa mga kababayan nila sa Kalibo na nangangailangan ng tulong.

Maraming beses na siyang nakapagbigay biyaya lalo na sa mga matatandang naghihikahos pa rin sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel