Nakatutuwang prediksyon daw ng Sexbomb dancers tungkol sa COVID-19, viral

Nakatutuwang prediksyon daw ng Sexbomb dancers tungkol sa COVID-19, viral

- Viral ang isang post tungkol sa kanta ng 'Sexbomb dancers' na tila isa raw prediksyon tungkol sa pagkalat ng virus

- Nabanggit di umano sa naturang kanta kung paano ma-transmit ang virus at ang mga sintomas kung nahawa na na ang isang tao sa COVID-19

- Maging ang 'flattening the curve' ang pagpapababa ng bilang ng kaso ng COVID-19 ay nabanggit daw sa sikat ng kanta ng naturang grupo

- Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa simpleng post na ito na nagbigay aliw sa kanila sa gitna ng ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakatutuwang prediksyon daw ng Sexbomb dancers tungkol sa COVID-19, viral

Sexbomb Dancers (Photo from Sexbomb Dancers Facebook)
Source: Facebook

'Henyo' raw na maituturing ang 90's dance group na 'Sexbomb dancers' na di umano'y nagkaroon ng prediksyon tungkol sa paglaganap ng COVID-19 ngayon.

Nalaman ng KAMI na ang tinutukoy ng netizen ay ang kantang 'Spageti Song' ng naturang grupo na sumikat 15 taon na ang nakararaan.

Ayon sa nakatutuwang post ng netizen na si Vberni Regalado noong Hulyo 28, nasa kantang 'Spageti Song ang detalye kung paano mahahawa ang pagkalat ng kinatatakutang virus ngayon.

"Imagine nag-apir lang sumakit na ang ulo (headache) sumakit pa ang bewang (body pain), pati dibdib (shortness of breath) at tuhod (tiredness)— proof na sa isang apir lang nata-transmit ang virus at makakaramdam ka ng symptoms!!!" ang bahagi ng post ni Vberni.

Sa simpleng 'apir' ay maaring mahawa ang isang tao na siyang magkakaroon ng sintomas ng COVID-19 na tulad ng pananakit ng iba't ibang bahagi ng katawan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang 'flattening the curve' o ang pagpapababa ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay nabanggit din daw sa kanta.

"And yes remember that Ispageti pababa at pataas — they know we won't flatten the curve!" dagdag pa ni Vberni.

Tuwang-tuwang ang mga netizens sa simpleng post na ito na kahit na paano'y naibsan ang kanilang lungkot at pangamba dala ng pandemyang nagaganap sa mundo.

Maaalalang maging ang isang comedian vlogger na si Christian Antolin ay ginawa rin umano itong prank sa kanyang ina na inakalang may COVID-19 siya dahil ginamit din niya ang lyrics ng kantang 'Ispageti song' kung saan aakalaing sintomas nga ng virus.

Narito ang video ng Spageti Song ng Sexbomb Girls mula sa YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Sexbomb dancers ay ang dance group na pinasikat ng Eat Bulaga mula pa noong 1999.

Ilan sa mga dancers ng grupo na nagpatuloy sa pag-aartista o maging sa pagsasayaw pa rin ay sina Rochelle Pangilinan, Sunshine Garcia at Jopay Paguia.

Isa lamang sila sa mga grupo o indibidwal na natulungan ng Eat Bulaga sa showbiz man o maging sa personal na buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel