Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, nagpaabot ng tulong sa isang lolo na na-stroke sa Davao

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, nagpaabot ng tulong sa isang lolo na na-stroke sa Davao

- Malayo man, nagawa pa ring magpaabot ng tulong ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

- Tahimik silang nagpadala ng mga grocery items sa isang senior citizen na na-stroke sa Davao

- Bukod dito, nagpadala rin sila ng tulong pinansyal upang may maipambili ang matanda ng kanyang mga gamot

- Bakas sa mukha ng lolo ang kasiyahan na natulungan siya ng isang artista na may puso sa mga nangangailangang tulad niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, nagpaabot ng tulong sa isang lolo na na-stroke sa Davao

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo (Photo from Jennylyn Mercado Instagram)
Source: Instagram

Tahimik na tumulong ang Kapuso Celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa isang lolo na na-stroke mula sa Santo Tomas, Davao.

Nalaman ng KAMI na nagpasalamat ang anak ng matanda Jenny Pearl Tangaro kina Jennylyn at Dennis matapos na matanggap nila ang grocery items mula sa magkasintahan.

Bukod pa rito, nagpaabot din ng tulong pinansyal sina Jennylyn at Dennis sa senior citizen sa pamamagitan ng isa pang anak nito na si Bernsky Bergante Tangaro upang mayroon din silang pambili ng mga gamot ng ama.

"Thank you Ma'am Jennylyn Mercado and Sir Dennis Trillo for extending your help through our ate Bernsky Bergante Tangaro.Its such a big help, you're an angel sent from above.. Dahil sa inyo nkabili po si Papang ng gamot,prutas at mga pagkain," ang bahagi ng pasasalamat ng anak ng natulungan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa video na binahagi ng anak, makikita ang kasiyahan ng ama nito sa natanggap na tulong ng mga artistang may mabubuting puso.

Maging ang ina ni Jenny Pearl ay nagpasalamat din kina Dennis at Jen at malaking tulong ang pinadala nila para sa pagpagaling ng kanyang mister.

Patunay lamang na ito na ang Kapuso couple na ito ay gumagawa ng paraan upang makatulong sa mga nangangailangan.

Nito lamang Mayo, sumali pa ang dalawa concert series na Bayanihan Musikahan na ang layunin ay ang makalikom ng donasyon para sa mga labis na napektuhan ng krisis na dala ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay naging maugong ang pangalan ni Jennylyn dahil sa matatapang niyang pahayag patungkol sa mga ibinibahagi niyang opinyon sa kanyang social media pages.

Isa na rito ang kanyang pakikiisa sa mga taong naapektuhan sa isyung 'ABS-CBN shutdown' na hindi raw sana naganap sa dami ng mga empleyadong mamawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya.

Maging ang kanyang pahayag kaugnay ng viral na larawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay nag-viral din.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel