COVID-19 cases sa bansa, halos umabot na sa 116,000 ngayong araw

COVID-19 cases sa bansa, halos umabot na sa 116,000 ngayong araw

- Halos umabot na sa 116,000 nag kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Ito matapos na madagdagan ito ng 3,462 na karagdagang kaso ngayong araw

- 2,434 sa bagong talang kaso na ito ay mula sa Metro Manila na kasalukuyang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine

- 222 naman ang mga naka-recover habang siyam lamang ang naitalang pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

COVID-19 cases sa bansa, halos umabot na sa 116,000 ngayong araw

COVID-19 (Photo from Public Domain)
Source: UGC

Halos umabot na sa bilang na 116,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na magtala ng karagdagang 3,462 na mga bagong kaso.

Nalaman ng KAMI na ang 2,434 sa mga bagong kaso na ito ay mula pa rin sa National Capital Region na kasalukuyan nang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine upang mapigilan ang patuloy na paglaganap ng virus sa rehiyon.

Base sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), sa 115,980 na kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa, 47, 587 dito ay pawang mga active cases.

Tatlo sa mga lugar na may mataas na bilang ng karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw ay mula sa Region IV-A at ito ay ang Laguna na may 105 na bagong kaso, Rizal na may 101 at Cavite na may 73.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

91.4% sa mga new cases na ito ay mild lamang habang 7.3% naman ang mga asymptomatic.

222 naman ang mga naka-recover ngayong araw habang siyam ang naitalang pumanaw.

Patuloy pa rin ang pagbibigay paalala ng DOH sa patuloy na pagsasagawa ng safety protocols tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay at pagdi-disinfect, social distancing at ang pagsusuot ng face mask lalo na kung nasa pampublikong lugar.

Isa na rin sa iminumungkahi na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield bukod sa face mask lalo na sa mga commuter pagpatak ng Agosto 15.

Ito ay upang ma-doble ang proteksyon lalo na sa mga madalas na nasa publikong lugar dahil sa kanilang mga trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agosto 4 nang muling sumailalim ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine bilang pagtugon sa panawagan ng ilang mga medical frontliners dahil sa patuloy na paglobo ng COVID-19 sa rehiyon.

Matatandaang nanawagan ang ilang mga doktor na nakararamdam na umano ng pagod sa pagsisilbi bilang frontliners sa mga puno nang ospital ng COVID-19 patients.

Tatagal ang MECQ hanggang Agosto 18, at inaasahang nasa 50,000 ang posibleng mabawas sa karagdagang kaso na inaasahang maitatala sa mga susunod na araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel