Mag-amang 139 na araw nang naglalakad pauwi, tumanggi sa inalok na tulong

Mag-amang 139 na araw nang naglalakad pauwi, tumanggi sa inalok na tulong

- Maraming netizens ang nagtaka sa pagtanggi ng mag-amang 139 na araw nang naglalakad pauwi

- Nawalan na ng trabaho ang ama sa Pagudpod, Ilocos Norte kaya minabuti na nilang umuwi sa Las Piñas

- Subalit dahil wala silang masakyan buhat nang mag-lockdown noon pang Marso, nagdesisyon ang mag-ama na maglakad na lamang

- Ngunit mas pinili pa rin ng mag-ama na maglakad o mag-pidal ng kanilang bisikletang may side car kaysa ihatid sila ng mga nag-alok sa kanila ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mag-amang 139 na araw nang naglalakad pauwi, tumanggi sa inalok na tulong

Joni Cortez at Pen-pen (Screengrab from TechRam)
Source: UGC

Agaw-pansin sa social media ang kwento ng mag-amang sina Joni Cortez at anak nitong si Pen-pen na matiyagang naglakad ng 139 araw makauwi lamang sa kanilang tahanan.

Nalaman ng KAMI na mula pa ang mag-ama sa Pagudpod, Ilocos Norte at ang kanilang destinasyon ay sa Las Piñas pa.

Namataan ng grupo ni TechRam ng Facebook ang mag-amang ito na namamahinga sa gilid na kalsada ng San Miguel, Bulacan.

Dahil likas na ang pagtulong ng grupo ni Ram sa mga taong nangangailangan, inusisa nila ito.

Doon nila nalamang nawalan ng tabaho si Joni na isang welder sa Pagudpod kaya nagdesisyon silang umuwi na lamang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kasamaang palad, inabot sila ng lockdown noong Marso 17 at wala nang masakyan paluwas sa Las Piñas kaya minabuti nilang maglakad.

Nakatanggap naman daw ng huling sahod si Joni sa pinasukang trabaho na siyang pinambili nila ng bisikletang may side car upang maibsan kahit na paano ang hirap ng paglalakad sa kanilang paglalakbay.

Nang malaman ito ni Ram, agad na nag-alok sila ng tulong na maihatid sa pinakamalapit na checkpoint ang mag-ama.

Natuwa na ang anak na si Pen-pen dahil sa mas mapapabilis na ang kanilang pag-uwi.

Subalit tila hindi nagustuhan ng ama ang ideyang ito. Ikinagulat ito ni Ram kaya naman naitanong niya bakit tumanggi pa si Joni gayung mapapadali na ang paglalakbay nilang mag-ama.

Dahil dito, binigyan na lamang ni Ram ng halagang ₱3,000 ang mag-ama upang may magastos sila sa kanilang malayo-layo pang paglalakbay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maaalalang ang grupo ng TechRam ang nagbigay ng maayos na bahay sa isang lola na namumuhay mag-isa sa tahanan niyang may kakaibang amoy.

Bukod dito, binigyan pa niya ito ng mga kagamitan sa bahay, bagong mahihigaan pati na rin damit at makakain.

Nakatutuwang isipin na sa panahon ng pandemya mas lalong namutawi ang pagiging matulungin ng ating mga kababayan sa mga mas higit na nangangailangan ng tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel