John Regala, nailipat na sa Kidney Institute para isailalim sa ilan pang medical tests

John Regala, nailipat na sa Kidney Institute para isailalim sa ilan pang medical tests

- Matapos na isugod sa ospital ang kilalang Action Star na si John Regala, agad naman itong inilipat sa National Kidney Transplant Institute

- Ito ay upang mas mabigyan ng nararapat na medikal na atensyon ang kanyang kalagayan kung saan nakikipaglaban siya sa sakit na liver cirrhosis

- Sasailalim si John sa ilan pang mga medical test at mas malawig pang gamutan ang kanyang haharapin

- Patuloy ang pangangalap ng tulong ng mga kapwa artistang patuloy na nagmamalasakit para sa kanyang agarang paggaling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

John Regala, nailipat na sa Kidney Institute para isailalim sa ilan pang medical tests

John Regala (Photo from John Regala Facebook)
Source: Facebook

Nailipat na sa nationa Kidney Transplant Institute (NKTI) ang batikang Action Star ng bansa na si John Regala.

Sa ibinigay na update ng isa sa mga kapwa niya artistang nagmalasakit sa kanya na si Chuckie Dreyfus, nasabi nitong noong alas singko ng hapon ng Agosto 4, nailipat na si John sa Kidney Institute.

Nalaman ng KAMI na mas mabibigyan ito ng karampatang medikal na atensyon doon sa pakikipaglaban niya sa kanyang kondisyon na liver cirrhosis.

"John was brought to the National Kidney and Transplant Institute by Navy ambulance. He will undergo a series of necessary tests and treatments which are urgently needed. John is currently confined there and receiving utmost care," pahayag ni Chuckie kaugnay ng kalagayan ng kilalang action star.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"John is still suffering from a lot of pain due to his complications. Medication cannot be administered freely because of the severe deterioration of his liver and kidneys. We need to wait until all his test results have come out before doctors can determine their next steps," dagdag pa niya.

Matatandaang isinugod sa ospital si John matapos na lumabas ang resulta ng panunang laboratory test sa kanya.

"John's recent blood chem results have come out and shows that his creatinine levels and liver functions are very bad," paliwanag ni Chuckie.

Maging si Liza Diño-Seguerra ay hands-on din sa pagtulong sa aktor at nagbahagi ng larawan ng kalagayan nito sa NKTI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dinagsa ng tulong ang aktor matapos na mag-viral ang kanyang larawan na kuha ng nagmalasakit na netizen matapos na makita siyang humihingi ng tulong sa Pasay City.

Agad na sumaklolo sina Nadia Montenegro, entertainment columnist na si Aster Amoyo at Chuckie Dreyfus, Liza Diño-Seguerra upang matulungan ang aktor.

Maging ang unang asawa ni John na nasa Amerika ay agad na nagpadala ng tulong sa aktor. Katunayan, siya mismo ang kumuha ng personal na mag-aalaga kay John masiguro lamang na may mag-aasikaso sa aktor.

Patuloy pa rin ang paglikom ng tulong para sa pagpapagamot ng aktor at marami rin ang patuloy na nagdarasal para sa kanyang agarang paggaling.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel