Doktor na ina, nagbahagi ng kalunos-lunos na laban ng anak sa COVID-19

Doktor na ina, nagbahagi ng kalunos-lunos na laban ng anak sa COVID-19

- Lubos na pag-aalala ang naramdaman ng doktor na si Dr. Anna Zimmermann nang tamaan ng COVID-19 ang kanyang 4-anyos na anak

- Sa ilang videos, ibinahagi nito ang pinagdaanan ng kanyang anak simula nang dapuan ito ng virus noong Marso

- Inilarawan nito ang naramdaman habang nakikita ang paghihirap ng anak mula sa sakit

- Sa kabila ng pait, ninais ng ginang na ibahagi sa lahat lalo na sa mga magulang na dapat seryosohin ang coronavirus disease

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lubos na pag-aalala ang naramdaman ng doktor na si Dr. Anna Zimmermann, isang Neonatologist sa Amerika, nang tamaan ng COVID-19 ang kanyang 4-anyos na anak.

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook page na NowThis Politics, ibinahagi nito ang pinagdaanan ng kanyang anak simula nang dapuan ito ng virus noong Marso.

Doktor na ina, nagbahagi ng kalunos-lunos na laban ng anak sa COVID-19

Photo screen grab from Facebook
Source: Facebook

Ayon kay Anna, simula nang kumalat ang virus ay siniguro nilang mag-asawa ang kaligtasan ng pamilya.

Hindi raw sila pumasok sa trabaho at nanatili sa tabi ng tatlong anak at sinunod ang mga dapat na gawin upang maiwasan ang virus.

Kaya naman hindi nila inasahan na ang isa sa kanilang anak ay magkakaroon nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isinugod daw nila ang anak sa ospital nang magkaroon ito ng mataas na lagnat at ubo. At dahil ang mga ito ay sintomas ng COVID-19, kinailangan itong ma-isolate kasama si Anna. Kinabukasan ay lumabas sa test dito na positibo nga ito sa virus.

Sa mga videos na ibinahagi ng ginang, makikita ang hirap na pag-ubo ng bata at labis na paghihirap nito dulot ng virus.

Bilang isang doktor, alam daw ni Anna na posibleng mangyari ang mga naranasan ng anak dahil sa sakit ngunit bilang isang ina, inilarawan ng ginang ang naramdaman bilang "gut-wrenching".

Sa kabutihang palad ay naka-recover ang bata at nakauwi na rin kinalaunan. Ang dalawa nitong kapatid ay hindi nagpakita ng anuman sintomas ng virus. Pero ang asawa ni Anna ay nagkaroon daw ng mga mild symptoms ngunit maayos naman ang lagay.

Sa kabila ng pait, ninais ng ginang na ibahagi sa lahat ang kanilang karanasan lalo na sa mga magulang na dapat seryosohin ang coronavirus disease.

Pero pinayuhan din niya ang mga magulang na huwag mag-panic sakali mang danasin ng mga ito ang nangyari sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 112,593 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health.

Patuloy naman na nagpapaalala ang mga awtoridad sa mga pasaway sa gitna ng pandemyang kinakaharap hindi lang ng Pilipinas, kung 'di maging ng buong mundo.

Kamakailan lang, isang pasaherong babae ang nag-viral matapos magalit sa isang lola na sumita sa kanya dahil wala siyang suot na face mask!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel