John Regala, naka-confine na sa ospital ayon sa isa sa mga tumulong sa kanya

John Regala, naka-confine na sa ospital ayon sa isa sa mga tumulong sa kanya

- Nagbigay ng update ang dating aktor na si Chuckie Dreyfus patungkol sa kalagayan na ngayon ng kapwa niya artista na si John Regala

- Si Chuckie Dreyfus ang isa sa mga tumulong kay John matapos na kumalat ang larawan nito na kuha sa Pasay City at humihingi ng tulong

- Ayon kay Chuckie, lumabas na ang resulta ng mga laboratory test na isinagawa kay John na siyang naging dahilan kung bakit ito isinugod sa ospital

- Nagkausap na rin sina John Regala at ang unang asawa niyang patuloy na nagpapaabot ng tulong sa aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

John Regala, naka-confine na sa ospital ayon sa isa sa mga tumulong sa kanya

John Regala (Photo form Chuckie Dreyfus Facebook page)
Source: Facebook

Kasalukuyan nang nasa ospital ang kilalang Pinoy Action Star na si John Regala na nakikipaglaban sa kanyang sakit na liver cirrhosis.

Ayon sa update na binahagi ng kapwa aktor ni John na si Chuckie Dreyfus, lumabas na ang resulta ng mga isinagawang laboratory test upang malaman ang kondisyon ng karamdaman nito.

"Earlier, Dra. Melissa Sinchongco visited John because he was complaining of excruciating pain. John's recent blood chem results have come out and shows that his creatinine levels and liver functions are very bad. The swelling of his feet is also caused by his liver's lack of function. He was brought to the hospital and is currently in confinement. He is scheduled for more laboratory tests, as well as ultrasound. In addition, John was also checked for COVID-19 in the hospital via rapid test to ensure his safety and the safety of those caring for him," pahayag ni Chuckie.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Chuckie ang isa sa mga agad na nagpaabot ng tulong kay John matapos na mag-viral ang mga larawan nito na kuha umano sa Pasay City at humihingi siya noon ng tulong.

Agad ding pinuntahan ng dating aktres na si Nadia Montenegro at entertainment columnist na si Aster Amoyo si John na pawang mga nangangalap pa ng tulong para maipagamot ang aktor.

Maging ang unang misis ni John na si Aurina Hunt na kasalukuyang nasa Amerika ay patuloy pa ring nagpapaabot ng tulong sa dating mister at awang-awa sa kalagayan nito.

Naging emosyonal ang naging pag-uusap ng dalawa sa programa ni Raffy Tulfo at doon napag-alamang ikinuha pa ni Aurina ng tagapag-alaga si John para lamang masiguro na may nag-iintindi rito sa kalagayan niya ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Currently, John is being monitored closely and being given the necessary medical care he desperately needs. We will continue to update everyone on John's condition and hopeful improvement," pagpapatuloy ni Chuckie patungkol sa kasalukuyang kalagayan ng dating Action Star.

Si John Regala ay isa sa mga batikang action star noong 90's. Nakilala siya sa mga kontrabida roles na maayos niyang nagagampanan.

Nakasama niya sa variety show na 'That's Entertainment' sina Chuckie Dreyfus at Nadia Montenegro na pawang mga tumutulong at nagmamalasakit sa kanya sa ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel