John Regala at unang asawa, nagkausap sa programa ni Raffy Tulfo

John Regala at unang asawa, nagkausap sa programa ni Raffy Tulfo

- Nagkausap sina John Regala at una niyang asawa sa programa ni Raffy Tulfo

- Ito pala ang isa sa mga walang sawang tumutulong kay John lalo na sa kanyang kalagayan ngayon

- Katunayan, siya pa mismo ang kumuha ng makakasama ni John upang maayos itong maalagaan

- Naging emosyonal ang pag-uusap ng dalawa at labis na nagpapasalamat si John sa patuloy na pag-alalay ng dating misis niya sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

John Regala at unang asawa, nagkausap sa programa ni Raffy Tulfo

Unang asawa ni John Regal na si Aurina (Photo from Aurina Alvarez Manansala Hunt Facebook) Source: Facebook
Source: Facebook

Nagpaunlak ng dating misis ng Pinoy Action Star na si John Regala na makapanyam ito sa programa ni Raffy Tulfo.

Ito ay si Aurina "Au-au" Alvarez Manansala Hunt na kasalukuyang nasa Amerika kasama ng kanyang bagong pamilya.

Agad na nilinaw sa programa na hindi siya ang tinutukoy ng aktor na nang-iwan sa kanya sa panahong wala na siyang kinikita at nagkaroon pa ng karamdaman.

Nalaman ng KAMI na si Aurina ang walang tigil na tumutulong sa dating asawa lalo na sa panahong unti-unti na itong naghihikahos.

Sa programang Raffy Tulfo in Action, nabanggit ni Au na anim na taon din ang pinagsamahan nila ni John ngunit hindi na niya binanggit ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

16 na taon daw siya nang ikasal sa aktor at sampung taon ang tanda nito sa kanya.

Ngunit matapos ang hiwalayan, naging maayos pa rin ang pakikitungo nila sa isa't isa.

Bago pa mamalagi si Au sa Amerika, nagawa pa ni John na maglaan ng oras para sa kanilang anak na si John Kiefer.

Taong 2018 nang maging maayos muli ang kanilang komunikasyon at doon patuloy pa rin niyang sinusuportahan ang dating asawa lalo pa at hiniwalayan na raw ito ng ikalawang asawa na si Gina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngayon, si Au rin ang kumuha ng mag-aalaga kay John upang masiguro na may nagmamalasakit sa dating asawa na mayroong liver cirrhosis.

Nabanggit din umano ang balak na pakikipag-usap ng anak nina Au at John sa ama ngunit ito raw ay gagawin ng sila lamang bago ito humarap sa media.

Bago matapos ang panayam, taos pusong nagpasalamat si John kay Au.

"Mahal na mahal kita, hindi ko akalain na ikaw pa ang tutulong sa akin..." pahayag ni John.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dinagsa ng tulong ang dating sikat na action star ng bansa matapos na mag-viral ang kanyang larawan na kuha ng netizen sa Pasay City.

Malayong-malayo na raw kasi ang itsura ng kilalang matikas na action star sa kalagayan nito ngayon.

Nakarating din ang larawang ito kay Au kaya naman agad na sumaklolo para sa dating mister.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel