Broadcaster, pumalag sa pahayag ni Jennylyn Mercado ukol sa "utang"

Broadcaster, pumalag sa pahayag ni Jennylyn Mercado ukol sa "utang"

- Hindi napigilan ng radio host na si Mark Lopez ang maglabas ng saloobin sa social media tungkol sa naging pahayag ni Jennylyn Mercado

- Kaugnay ito ng tweet ni Jennylyn ukol sa breakdown ng utang ng bansa na umabot na nga sa P9 trillion

- Buong prangka naman itong sinagot ni Mark na kilalang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte

- Matapos nito, ilang tweets pa ang pinakawalan ng aktres para raw sa mga taong pumupuna sa kanya dahil sa kanyang pagtatanong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Prangka at detalyado ang naging pahayag ng radio host na si Mark Lopez tungkol sa post ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado kaugnay sa utang ng bansa.

Sa isang post sa Facebook kung saan naka-tag pa si Jennylyn, deretsong sinagot ni Mark ang tanong ng aktres kung naglabas na ng breakdown ng utang na umabot na ng sa mahigit P9 trillion.

Broadcaster, pumalag sa pahayag ni Jennylyn Mercado ukol sa "utang"

Photo from Facebook
Source: Instagram

"Naglabas na ba ng breakdown kung san napunta ang pera na inutang?" anito sa isang tweet noong July 29.

"Kawawa ang mga magmamana ng utang natin..." dagdag pa ng aktres.

Sagot naman ni Mark, hindi na kailangan pang itanong ito dahil ang impormasyong kailangan nito ay maaari namang makita ng mga Pinoy.

"Ok, pagbigyan natin itong hirit ni Miss Jennylyn Mercado...
"So interesado ka ba talaga malaman ang breakdown ng inutang?
"Kasi, kung totoong may paki ka jan, hindi ka na magtatanong kasi the information is readily available," anito.

Dagdag pa ng broadcaster, ang utang na ito ay hindi lamang utang ng administrasyong Duterte.

"Teka, aware ka ba na yang utang na yan eh hindi lang nung isang buwan inutang, or nung umpisa ng 2020, or nung pagtatapos ng 2019? Bale utang yan ng bansa carried over from one administration to the next.
"Aware ka ba na by fiscal year 2016, or pagkaupo ni Mayor Rody Duterte as President eh nasa lagpas P6 TRILLION na ang utang ng National Government?" sabi pa nito.

Ayon pa kay Mark, kung ang tinatanong naman ni Jennylyn ay ang breakdown ng loans para sa COVID-19 response, maaari rin daw itong makita ng mga Pinoy.

"Sa totoo lang, ang mga finance, accounting, and economic experts, hindi naman sila hirap sa issue ng transparency and accountability dahil alam nila kung saan kukunin ang kailangan na data from the government, and with that, nakakagawa sila ng sound and very much informed opinion," anito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kasunod nito ay ilan pang tweets ang ibinato ni Jennylyn para raw sa mga taong pumupuna sa kanya dahil sa kanyang pagtatanong, bagamat wala naman itong binanggit kung sino-sino ang mga ito.

Ayon pa sa aktres, tila nakalimutan na raw ng ibang tao na irespeto ang opinyon ng iba.

Tanong pa nito, may qualification daw ba para magkaroon ng karapatang magtanong tungkol sa isyung panlipunan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jennylyn Mercado ay isa sa mga sikat na aktres, singer, endorser at entrepreneur sa bansa.

Una itong nakilala nang sumali at manalo ito sa GMA reality show na Starstruck kasabay sina Mark Herras, Yasmin Kurdi, at Katrina Halili.

Isa ito sa mga Kapuso talents na sumuporta sa ABS-CBN sa gitna ng isyu ng franchise renewal.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel