Mister, may matapang na pahayag ukol sa kalagayan ng mga medical frontliner tulad ng misis

Mister, may matapang na pahayag ukol sa kalagayan ng mga medical frontliner tulad ng misis

- Viral ang naging pahayag ng asawa ng isang medical frontliner patungkol sa kalagayan ng kanyang misis

- Ipinakita pa nito ang larawan ng kanyang asawa matapos ang 12-oras na shift nito

- Matapang ang naging pahayag ng mister kung saan sinabi nitong kahit pagod na at bagsak na ang morale ng kanyang misis ay patuloy pa rin itong nagsisilbi sa mga pasyenteng nangangailangan ng kanilang tulong

- Tila isang panawagan din ang ginawa ng mister sa suportang kailangan ng tulad ng kanyang misis na nagsisilbing frontliners sa laban kontra COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mister, may matapang na pahayag ukol sa kalagayan ng mga medical frontliner tulad ng misis

Medical frontliner (Photo from rawpixel)
Source: UGC

Agaw-pansin sa social media ang matapang na pahayag ng netizen na si Chad Romano kaugnay sa kalagayan ng mga medical frontliners tulad ng kanyang misis.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Chad ang larawan ng asawa matapos ang 12-oras nitong shift sa ospital.

Makikita ang bakas ng suot na personal protective equipment na suot nito sa loob din ng kalahating araw.

Kitang-kita ang ebidensya ng init at hirap ng pagkakasuot ng PPE sa kanila na kung saan naligo na sila sa sarili nilang pawis sa tagal nang pagkakababad nila rito.

Ayon sa pahayag ni Chad, isa lamang ang kanyang misis sa daan-daang frontliners na nakararamdam na ng pagod at pagbagsak ng morale sa ilang buwan na pagsabak sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Daan-daang doctors, nurses at iba pang medical professionals natin ang pagod na at bagsak na ang morale dahil sa kawalang suporta ng gobyerno," ang naging matapang na pahayag ni Chad na binahagi rin ng Rappler.

Ngunit sa kabila ng hirap na dinaranas ng mga medical frontliners, patuloy pa rin silang nananatili sa kanilang sinumpaang tungkulin.

"Pero patuloy pa rin tinutupad ang kanilang sinumpaang tungkulin habang ikaw at mga kasama mo sa gobyerno ang kumportable sa naglalakihan nyong mga mansyon," pagpapatuloy ng pahayag ni Chad.

Tila isang panawagan din ang pahayag niyang ito tungkol sa suportang nararapat lamang na matanggap ng mga health workers lalo pa at hindi biro ang kanilang ginagampanan dahil ibinubuwis na talaga nila ang kanilang buhay araw-araw.

Tulad na lamang ng isa ring hinaing ng doktor na si Jai Cabajar na hindi nalalayo ang naging pahayag sa mga nasambit ni Chad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang viral post, sinabi nitong hindi nauubos ang pasyente na tinatamaan ng COVID-19 ngunit tila may ilang nakukulangan pa raw sa ambag, tapang, passion at motivation sa kanilang ginagawa.

Ngunit sa kabila ng ilang pambabatikos na kanilang natatanggap, patuloy pa rin silang pumapasok sa mga ospital dahil kailangan sila ng mga pasyente.

Kasalukuyan nang nasa ilalim muli ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at ilan pang lugar na may mataas na bilang ng COVID-19 mula Agosto 4 hanggang Agosto 18.

Ito ay bilang pagtugon ng pamahalaan sa panawagan ng ilang mga medical frontliners upang maibsan kahit na paano ang di mapigilang paglobo ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19 partikular na sa National Capital Region.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel