Mayor Isko Moreno, nagpasalamat sa 'anonymous donor' ng ₱500,000 para sa Maynila

Mayor Isko Moreno, nagpasalamat sa 'anonymous donor' ng ₱500,000 para sa Maynila

- Ibinahagi ni Mayor Isko Moreno ng Maynila sa kanyang social media ang natanggap na biyaya ng lungsod

- Isang di nagpakilalang tao ang nagbigay tulong sa lungsod lalo na sa laban nito sa COVID-19

- Kalahating milyong piso ang binigay ng 'anonymous donor' para sa lungsod kaya naman laking pasasalamat ng alkalde para sa biyayang ito

- Sa hiwalay niyang post, nabanggit ng alkalde ang mga hakbang na kanilang pinagpaplanuhan ngayong sasailalim na sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mayor Isko Moreno, nagpasalamat sa 'anonymous donor' ng ₱500,000 para sa Maynila

Isko Moreno (Photo from Commons Wikimedia)
Source: UGC

Isang magandang balita ang ibinahagi ni Mayor Isko Moreno sa kanya mismong social media kung saan isang malaking biyaya ang natanggap ng kanilang lungsod.

Nalaman ng KAMI na isang anonymous donor ang nagbigay ng ₱500,000 para sa Lungsod ng Maynila na labis na ipinagpasalamat ng alkalde.

Sa kanya mismong Facebook post, ipinakita ni Yorme Isko ang tseke kung saan makikita ang halagang kalahating milyon ng taong minabuting hindi magpakilala ngunit nagpahatid pa rin ng tulong.

"Kung sino man po kayo, maraming maraming salamat po sa inyong malasakit sa aming mga Batang Maynila," pagpapasalamat ng alkalde.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Malaking tulong ito lalo na raw sa pagpapalakas ng kanilang pwersa para sa laban ng lungsod kontra COVID-19.

Samantala, sa hiwalay na post, nabanggit din ng alkalde ang ilang plano ng Maynila kaugnay sa pagbabalik modified enhanced community quarantine (MECQ) ng Metro Manila.

Isa sa masusi nilang pinagpaplanuhan ay kung paano maiibsan ang pagod at hirap ng mga medical frontliners sa mga ospital ng lungsod.

Inanunsyo din ni Yorme Isko ang pagpapatuloy ng mga e-trike services para sa mga medical froneliners ng Maynila.

Ito rin ang ang isang paraan upang matulungan ang mga tricycle drivers ng lungsod upang magkaroon pa rin ng hanapbuhay sa gitna ng MECQ.

Pakiusap din ang alkalde na patuloy na mag-ingat at seryosohin ang bagsik ng virus. Nasabi niyang hindi biro ang kinahaharap na pandemya ng mundo ngayon lalo na at unti-unti na ring nalalagas ang mga medical fronliners na tinatamaan na rin ng virus.

"Mga kababayan, mag-ingat po tayo parati. Hindi po biro ang ating kinahaharap na pandemya. Hindi po sila pwedeng magkasakit. Sila po talaga ang aasahan natin, ang mga doctors, nurses, and other medical practitioners kailangan natin sa panahon na ito," pahayag niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Yorme Isko sa malaking pagbabagong nagawa nito sa Maynila na pawang para sa ikabubuti ng lungsod.

Madalas, siya mismo ang nag-iikot sa lugar upang matiyak na nagagampanan ng kanyang mga nasasakupan ang kanilang mga tungkulin gayundin ang mga mamamayan.

Sinisiguro rin ni Mayor Isko ang kapayapaan at kaayusan ng lungsod kaya naman ang sinumang lumalabag sa kanilang mga panukala ay tiyak na mananagot sa kanilang nagawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel