Ilang health workers, nagprotesta para humingi ng katarungan sa pagpanaw ng kasamahan nila

Ilang health workers, nagprotesta para humingi ng katarungan sa pagpanaw ng kasamahan nila

- Sa ngayon, patuloy pa rin ang paghihirap at sakripisyo ng mga medical frontliners laban sa COVID-19

- Ang ilang healthcare workers naman sa isang ospital ay nagprotesta na ngayon

- Nais ng mga ito mabigyan ng hustisya ang kanilang kasamahan na pumanaw dahil sa COVID-19

- Nauna nang nilinaw ng Healthcare Professionals Alliance na hindi rebolusyon ang kanilang nais gawin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos umapela ng mga healthcare workers sa gobyerno ngayong patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ang ilan nga sa kanila ay nagsasagawa na ng protesta.

Nalaman ng KAMI na humihingi na ng katarungan ang ilang health workers ngayon para sa kanilang mga kapwa medical frontliners.

Ilang health workers, nagprotesta para humingi ng katarungan sa pagpanaw ng kasamahan nila

Larawan mula sa Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ng GMA News, ang ilang health workers ng Jose Reyes Memorial Medical Center ay nagprotesta upang mabigyan hustisya ang pagpanaw ng kasamahan nila dahil sa COVID-19.

Panawagan din ng mga ito ang libreng mass testing para sa kanilang mga health workers na ibinubuwis ang buhay para iligtas ang mga Pilipino kontra COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan nga ay umapela ang mga healthcare workers sa gobyerno dahil sa tinding pagod na nararanasan nila ngayon. Nais sana nila ng tulong ng gobyerno upang mapabagal ang pagkalat ng virus.

Nito lang, isang litrato ang nag-viral sa social media. Kita nga rito ang mga pagod na pagod na healthcare workers na sa sahig na lang natutulog habang suot pa ang kanilang mga PPE.

Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga medical frontliners matapos nilang isapubliko ang kanilang mga hinaing sa gobyerno.

Samantala, inilinaw naman ng Healthcare Professionals Alliance na hindi rebolusyon ang gusto nilang mangyari ngayon, kundi aksyon mula sa gobyerno.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel