Steve Dailisan, nag-online meat business matapos mawalan ng trabaho

Steve Dailisan, nag-online meat business matapos mawalan ng trabaho

- Matapos ibahagi na tuluyan na siyang nawalan ng trabaho bilang isang piloto, pinasalamatan ni Steve Dailisan ang kumpanyang tumanggap sa kanya

- Sa kabila ng masaklap na pangyayari bunsod ng pandemya, hindi nagpakita ng panghihina ang dating GMA News reporter

- Sa halip na magmukmok, naging inspirasyon siya ng marami dahil sa kanyang positibong pananaw

- Nagbukas siya ng isang online meat business upang tuloy pa rin siyang kumita sa gitna ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ibahagi ang malungkot na balita tungkol sa pagkawala ng kanyang trabaho bilang isang piloto sa isang airline company, hinangaan ng marami ang dating GMA News reporter na si Steve Dailisan dahil sa positibong pananaw nito sa buhay sa kabila ng mga kabiguan na kanyang naranasan.

Tuloy ang buhay para kay Steve na nagbukas ng sariling online meat business na pinangalanan niyang “TASTEEEVE."

Iba't-ibang uri ng meat products kagaya ng German franks, embutido, pork barbecue, at German corned beef ang kanyang ibinebenta.

Steve Dailisan, nagbukas online meat business matapos mawalan ng trabaho

Steve Dailisan (Photo from Steve Dailisan's Instagram account)
Source: Instagram

Sa kanyang vlog, ipinasilip ni Steve kung paano ang kanyang pagdedeliver ng produkto sa kanyang mga customers sa iba't-ibang lugar.

“Since wala naman talaga tayong lipad, e, nag-isip tayo ng mga pamamaraan para kahit papaano ay maging busy at may konting pagkakakitaan," aniya.

“Actually may business partner tayo na kasama at naging katuwang natin sa produktong ito at nakaka-proud dahil itong meat products na ito ay matitikman ng lahat. So at least may pinagkakaabalahan ngayon at siyempre pasalamatan natin ang lahat ng blessings," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hinimok niya rin ang kanyang tagapanuod na suportahan ang maliliit na local businesses.

“Sana suportahan niyo ang TASTEEEVE at lahat ng kababayan natin na bumuo ng negosyo para kumita ng marangal.

"It doesn't matter kung anong background mo or trabaho mo, basta kumikita ka ng marangal at may negosyo, saludo ako sa mga 'yan," paglalahad niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Steve Dailisan ay dating GMA News reporter na naging World Silver Medalist sa 2014 New York Festival. Nakilala din siya sa kanyang dokyumentaryong “Kicks of Hope” (Sipa ng Pagasa) for The Brigade (Brigada).

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa pagiging piloto ni Steve Abril noong nakaraang taon.

Matapos maapektuhan ang kanyang trabaho dahil sa pandemya, naging online seller siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel