Groom, inireklamo ang bride na di umano'y nagsangla ng kanilang engagement ring

Groom, inireklamo ang bride na di umano'y nagsangla ng kanilang engagement ring

- Inireklamo ng nobyo ang kanyang fiancée sa progrma ni Raffy Tulfo dahil umano nagawa nitong isangla ang kanilang engagement ring

- Pinabulaanan naman ito ng nobyang nakipaghiwalay na pala sa kanya at sinabing hindi naman daw engagement ring ang ibinigay na ito sa kanya ng dating kasintahan

- Dahil sa pangyayari, naisipan ng dating nobyo na pabayaran sa dating kasintahan ang perang naibigay nito sa kanya

- Gayundin ang mga gamit na naibigay sa kanya ay pinababalik na rin sa dati niyang kasintahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Groom, inireklamo ang bride na di umano'y nagsangla ng kanilang engagement ring

Ang 'groom' na si Armando Portugaliza Jr. (Screengrab from Raffy Tulfo in Action Facebook)
Source: Facebook

Masama ang loob ni Armando Portugaliza Jr. na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang dating kasintahan na di umano'y nanloko sa kanya.

Nalaman ng KAMI na inakusahan ni Armando ang dating nobya na si Debbielyn Padilla na nagawa raw nitong isangla ang kanilang engagement ring upang hindi na matuloy pa ang kanilang kasal.

Sinabi pa ni Armando na matapos pa raw isangla ay nakapaghanda pa ang dating nobya na pinabulaanan naman ang lahat ng akusasyon.

Wala raw katotohanan na isinangla ni Debbielyn ang singsing at nilinaw niyang hindi raw engagement ring ito kaya wala rin dapat na asahang kasalan si Armando.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dala ng sama ng loob sa nagawa umano ng babae sa kanya, pinasasauli ni Armando ang mga naibigay niyang materyal na bagay sa dating nobya.

Kasama na rito ang 'engagement ring' na ibinigay niya kay Debbielyn pati na rin ang perang naibigay niya rito na umabot na sa mahigit ₱50,000.

Nagkaharap na ang dalawa sa barangay at nagkasundong ibabalik itong lahat ni Debbielyn at huhulugan ang malaking halaga na mula kay Armando.

Mahirap sa magkabilang panig na ganito ang sinapit ng kanilang sitwasyon. Si Armando na nakaramdam ng panloloko di umano ni Debbielyn sa kanya habang ang babae naman ay masama rin ang loob dahil humantong pa sa programa ni Raffy Tulfo ang usaping dapat na sa kanila na lamang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi nalalayo ang kwentong ito sa nauna nang naidulog sa programa ni Tulfo kung saan ang bride naman ang nagreklamo dahil sa biglaang pag-backout ng kanyang groom na isang sundalo.

Sa kasamaang palad, ang inireklamong sundalo na ito ay pumanaw sa isang engkwentro sa Maguindanao.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel