Bela Padilla, sumagot sa pagsulong ni Sen. Bong Revilla ng pamimigay ng face mask

Bela Padilla, sumagot sa pagsulong ni Sen. Bong Revilla ng pamimigay ng face mask

- Hindi napigilang magsalita ni Bela Padilla kasunod ang paghayag ni Sen. Bong Revilla ng pag-udyok sa pamahalaan na mamigay ng libreng mask at face shield

- Kaugnay ito sa isyung kinasangkutan ng senador kung saan P124.5M na halaga ng pera ang pinababalik ng Ombudsman

- Ito ay matapos ma-acquit ang senador sa kasong plunder kaugnay sa pagkakadawit niya sa multi-billion pork barrel scam

- Marami naman ang sumang-ayon sa aktres kaugnay sa kanyang patutsada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Simple ngunit matapang ang naging pahayag ni Bela Padilla matapos isulong ni Senator Bong Revilla ang pamimigay ng pamahalaan ng face mask sa mga tao.

Hindi man tahasan ang naging tugon, marami sa mga netizens ang agad na nakatunog sa tinutumbok ng aktres.

"124.5M can buy 1,245,000 face masks. #justsaying ‍♀️" aniya sa isang tweet kasabay ng pagbahagi ng isang link ng write-up tungkol sa pagsulong ng senador na mamigay ng libreng face mask at face shield ang pamahalaan.

Bela Padilla, sumagot sa pagsulong ni Sen. Bong Revilla ng pamimigay ng face mask

Bela Padilla (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang 124.5M na tinutukoy ng aktres ay ang halagang pinapabalik sa senador matapos siyang ma-acquit sa kasong plunder kaugnay sa pagkakadawit niya sa multi-billion pork barrel scam.

Narito ang ilan sa mga tugon ng Twitter users sa pahayag ni Bela:

TRUE. dapat ibalik nya yung kinurakot nya at gamitin pang sustento para sa covid19 ng hindi ang mamamayan ang kumakalbaryo sa mga inuutang nyo na napupunta lang sa bulsa ng mga kurakot na pulitiko.
Witty Bela. Napaisip ako dun
Yes! Hanggang di nya binabalik, lahat ng kuda nya yan ang sagot natin!

Si Bela Padilla ay isang aktres. isa sa pinakahuling pelikulang kanyang nagawa ay ang “Miracle in Cell No. 7” na nanguna sa takilya noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang mahusay na screenwriter.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Kagaya ng ilang mga personalidad, naging abala din si Bela sa pagbahagi ng tulong sa mga taong apektado ng pandemya.

Ipinagtanggol niya rin ang ABS-CBN mula sa mga kritiko nito habang kinakaharap ng TV network ang suliranin tungkol sa franchise renewal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel