Robin Padilla, muntik nang madisgrasya sa mismong bahay nila

Robin Padilla, muntik nang madisgrasya sa mismong bahay nila

- Abot-abot ang pasasalamat ni Robin Padilla matapos niyang makaiwas sa tiyak na kapahamakan

- Kung hindi siya naging maingat ay maaring nakuryente siya habang nasa kanilang swimming pool na maari umano niyang ikinasawi

- Mabuti na lamang at nakita niya ang bukas na linya sa kawad ng kanyang ginagamit na submersible water pump

- Aniya, nanghina siya nang maisip ang maaring kinahinatnan niya kung hindi niya napansin ang open wire

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking pasasalamat ng aktor na si Robin Padilla matapos niyang makaligtas sa tiyak na kapahamakan. Nakitang niyang may open wire pala sa kawad ng ginagamit niyang submersible waterpump na kaniyang ginagamit sa kanilang swimming pool matapos masira ang main water pump at filter ng kanilang pool.

Mabuti na lamang umano at nakita niya at nasuring maigi ang pump bago pa ito gamitin at isaksak habang siya ay nakalubog sa tubig ng kanilang swimming pool.

Robin Padilla, muntik nang madisgrasya sa mismong bahay nila

Robin Padilla (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

"Ngayon umaga na ito naiba lahat ang ganap, pag check ko ng wire hiwa ito at nakasilip na ang negative, postive at ground wire Allah hu akbar kung nagkataon na nagpabaya ako at basta na lamang inilipat ang pump at maiplug sa kuryente sabay lusong ako sa tubig.... Yun!!! the end sigurado ako goodbye Philippines! " pagkukuwento niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, nanghina siya nang maisip ang maaring nangyari sa kanya kung hindi niya iyon nakita, "Alhamdulillah it is a blessed day for me Allah hu akbar nakapanghihina pala ang mga ganitong ganap ma shaa Allah mapapaisip ka rin at matitigilan Paano nga kaya kung hindi ako nag check? Astigfirullah Astigfirullah Astigfirullah."

Marami naman ang nagpasalamat na walang nangyaring masama sa aktor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director and nationalist. Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”. Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang isang anak, si Isabella na ipinanganak noong Nobyembre 14, 2016.

Sa isa niyang video, kinaaliwan ng mga netizens ang pakikipagpalit ni Mariel Padilla sa kanyang kasambahay sa loob ng isang araw.

Ibinahagi niya rin ang naging pagdiriwang nila sa ika-anim na buwan ng kanyang pangalawang anak na si Gabriela.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel