Doktor sa viral post, hinangaan sa matapang na pahayag

Doktor sa viral post, hinangaan sa matapang na pahayag

- Nag-viral ang tweet ng isang medical frontliner patungkol sa kanilang tungkulin lalo na sa panahon ng pandemya

- Sa maiksing pahayag niya, napukaw niya ang damdaming ng mga Pilipino na agad na naunawaan ang pinagdaraanan ng katulad niya

- Sa kabila ng nakakapagod na sitwasyong kinakaharap nila araw-araw, nakatatanggap pa rin sila ng mga komentong tila kulang pa ang ginagawa nilang serbisyo

- Gayunpaman, araw-araw pa rin daw nilang pinipiling pumasok para sa mga pasyenteng nangangailangan sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Doktor sa viral post, hinangaan sa matapang na pahayag

Dr. Jai Cabajar (Photo from Twitter)
Source: Twitter

Mabilis na nag-viral ang tweet ng isang medical frontliner patungkol sa kanilang kalagayan sa panahon ng pandemya.

Nalaman ng KAMI na ito ay si Jai Cabajar, isang doktor na naglabas ng saloobin sa kanyang Twitter post.

Tila malaman ang nasambit nitong mga salita lalo na sa hirap ng sitwasyon nila sa araw-araw nilang pagharap sa mga pasyenteng di nauubos sa mga ospital dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19.

"Hindi nauubos ang pasyente," paglalarawan ni Dr. Jai sa sitwasyon sa ospital mula nang sumiklab ang pandemya.

Ngunit ang masaklap sa nangyayari, tila mayroon pa raw nakukulangan sa serbisyong ibinibigay ng mga doktor at nurses na aminadong nakararamdam na ng pagod sa patuloy na pagdagdag ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Kulang daw pala kami sa ambag, tapang, passion, motivation... whatever.," ang bahagi ng viral tweet ni Dr. Jai.

Ngunit sa kabila ng pambabatikos na ito, patuloy pa rin daw silang papasok para sa mga pasyenteng nangangailangan ng kanilang serbisyo at sila lamang ang maasahan sa panahon ngayon.

"Papasok pa rin kami araw-araw para sa mga pasyente, hindi para sa mga politikong walang magandang maimbag," pagtatapos ng doktor sa kanyang tweet.

Dahil sa matapang na pahayag niyang ito, umani siya ng papuri at respeto mula sa mga netizens na mas lalong pinalakas ang loob ng isang medical frontliner na tulad niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, ilang grupo ng mga doktor ang nananawagang ibalik pansamantala ang Metro Manila sa enhanced community quarantine upang mapigilan ang patuloy na paglobo ng bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 lalo na sa rehiyon.

Aminado ang mga medical frontliners na nakararamdam na sila ng pagod at maging sila ay tinatamaan na rin ng virus.

Sila lamang kasi ang inaasahan ng mga ordinaryong mamamayan sa labang ito sa COVID-19 na ang tanging magagawa lamang sa kanila ay ang pasalamatan, palakasin ang kanilang loob at pakiusapang wag tayong sukuan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel