Kalagayan ng isang lalaking inabutan ng lockdown sa Pampanga, umantig sa mga netizens

Kalagayan ng isang lalaking inabutan ng lockdown sa Pampanga, umantig sa mga netizens

- Marami ang naantig sa kwento ng isang lalaking kamakailan ay nag-viral sa social media

- Ito ay matapos siyang makita ng isang netizen na kumakain sa isang fast food restaurant

- Tanging kanin lamang umano ang inorder nito at tubig kaya nilapitan siya at tinanong ng netizen

- Napag-alamang nagmula pa siya sa Tacloban at naabutan lamang ng lockdown sa Pampanga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento ng isang lalaking nakasabay ng isang netizen na kumain sa isang fast food restaurant.

Tanging kanin at tubig lamang daw ang inorder ng lalaki dahil nagugutom daw siya pero kulang ang kanyang pera.

Kanina napadpad ako sa Pampanga. Nag lunch ako sa McDonald's near SM. Si Tatay pumasok then umorder. After nun naupo sya malapit sa table ko. Pagdating nung order nya. 1 cup of rice and water lng. Kinakain nya rice lang.

Kalagayan ng isang lalaking inabutan ng lockdown sa Pampanga, umantig sa mga netizens

Photo from Earl Archievan Calixtro/Facebook
Source: Facebook

Napagpasyahan ng Facebook user na nagngangalang Earl Archievan Calixtro na lapitan ang lalaki kung gusto pa niya ng iba pang makakain at siya mismo ang umorder para dito.

Nilapitan ko si Tatay tinanong ko kung gusto pa nya ng makakain. Oo daw kasi nagugutom sya pero kulang pera nya. So inorder ko sya ng makakain.

Dinatnan niyang may ulam na ang lalaki matapos umanong bigyan ito ng crew ng restaurant. Pinabalot na lamang ni Calixtro ang kanyang inorder para may makain pa ang lalaki sakaling muli itong magutom.

Pagbalik ko sa table nya may chicken fillet na. Binigay nung crew. (thank you sa buong staff at crew ng McDonald's san fernando malapit sa SM,di kayo nag dalawang isip tulungan si Tatay ❤️) yung order ko para sa knya pina take out ko nalang para may pagkain pa sya mamaya.

Matapos niyang makausap ang lalaki, napag-alaman niyang mula pa ito sa Tacloban at pumunta lamang sa Pampanga upang magtrabaho ngunit inabutan ito ng lockdown.

Kinausap ko sya sandali pero hindi ko sya maintindihan masyado kasi sobrang nanginginig sya. Siguro sa sobrang gutom. Plus hirap na din sya magsalita. Ang nakuha ko lang na information is taga TACLOBAN daw sya. Napunta lang sya sa Pampanga para humanap ng work. Sa kasamaang palad inabutan siguro ng lockdown. Sa mga may kakilala sa Tacloban baka po nakikilala nyo si Tatay. At sa iba pang gustong tumulong. Sana makauwi na sya sa knila

Matapos niyang ibahagi ang ilang litrato ng lalaki, marami ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na tulungan ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nakatutuwang isipin na sa panahon ng krisis, may mga taong may ginintuang puso na handang tumulong sa mga higit na nangangailangan.

Kahit pa pare-pareho nating dinaranas ang bagsik ng problema na dala ng COVID-19, likas sa ating mga Pilipino ang pagmamalasakit sa bawat isa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel