Pinoy frontliner sa Ireland, namahagi ng tablets para sa online classes ng mga batang Pilipino

Pinoy frontliner sa Ireland, namahagi ng tablets para sa online classes ng mga batang Pilipino

- Nakamamangha ang ginagawa ng isang Pinoy frontliner sa Ireland na nagawa pa ring tumulong sa mga batang Pilipino sa bansa

- Nang mabalitaan niyang magiging blended learning na ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas, naisipan niyang magpaabot ng tulong sa mga kabataang walang kapasidad na namakabili ng tablet na magagamit sa online classes

- Agad siyang gumawa ng fundraising account para makalikom ng pambili ng tablets

- Sa ngayon, nasa 20 na tablets na ang naipadala niya sa mga kabataaan sa iba't ibang panig ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinoy frontliner sa Ireland, namahagi ng tablets para sa online classes ng mga batang Pilipino

Alrin Rueda Licayan (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Isang Pinoy frontliner sa ibang bansa ang nagagawa pa ring magpaabot ng tulong sa mga kababayan sa Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na ito ay si Aldrin Rueda Licayan na isang nurse sa Ireland.

Nakarating kay Aldrin na blended learning ang bagong sistema ng edukasyon sa Pilipinas bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

May ilang mga nagpapadala ng mensahe sa kanya at humihingi ng tulong na magkaroon ng gadget na maaring magamit sa online classes.

Kaya naman naisipan ng nurse na magkaroong fundrasing campaign para sa mga batang Pinoy na walang kapasidad na makabili ng smartphone o tablet na magagamit nila sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Marami ang nagtataka kung bakit sa dami na ng mga pinagkakaabalahan ni Aldrin lalo na at isa siyang medical frontliner ay naisipan pa rin niyang tulungan ang mga estudyanteng Pilipino.

Kwento niya, maging siya ay nakaranas ng paglalakad patungong paaralan at ang hirap ng minsang kawalan ng baon araw-araw. Malaki raw kasi ang pagkakaiba ng estudyanteng Pinoy sa mga bata sa bansang maging ang pagkain sa paaralan ay libre.

Kung wala raw pambili ng pagkain ang ilang mga mag-aaral, mas lalong wala raw walang kakayanan na magkaroon ng anumang gadgets.

Noong Hunyo, nakalikom na si Aldrin ng halagang para sa 12 na tablet na agad niyang naipadala sa mga batang nasa Iligan, Isabela, Cotabato, Davao del Sur, Cebu at Bohol.

At sa patuloy na paghingi niya ng tulong, muli siyang nakapagpadala ng tablets kaya naman umabot na sa 20 tablets ang kanyang naipamahagi.

Dahil sa magandang adhikain na ito ni Nurse Aldrin, maging ang kilalang doktor sa bansa na si Dr. Tony Leachon ay humanga sa kanyang proyekto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agosto 24 ang itinakdang petsa ng pagbubukas ng klase sa pampublikong paaralan sa bansa.

Blended learning ang magiging sistema ng pag-aaral ng mga estudyante kung saan magaganap ang klase sa online, telebisyon at radio.

Sa mga walang gadgets, TV at radyo, magpapaabot ang mga paaralan ng learning modules sa mga bata upang makasabay pa rin ito sa mga aralin sa loob ng isang linggo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel