Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, natuloy din ang honeymoon matapos ang 4 na buwan

Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, natuloy din ang honeymoon matapos ang 4 na buwan

- Natuloy din ang honeymoon ng mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

- Ibinahagi ng mag-asawa ang ilang litratong kuha mula sa kanilang honeymoon sa Batangas

- Matatandaang naging usap-usapan ang pagpapakasal ng dalawa matapos ianunsiyong postponed ang kanilang kasal bunsod ng COVID-19 pandemic

- Ikinasal sila sa isang intimate ceremony na dinaluhan ng kanilang mga pamilya noong Marso 14 ng kasalukuyang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mahigit 4 na buwan matapos ang kanilang pinag-usapang pagpapakasal, itinuloy ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang kanilang honeymoon sa isang resort sa Lipa City, Batangas.

Ibinahagi ng dalawa ang ilan sa mga litratong kuha sa kanilang pananatili sa resort.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Sarah ang kanilang sweet na picture nilang mag-asawa habang nakalublob sa swimming pool.

Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, natuloy din ang honeymoon matapos ang 4 na buwan

Richard Gutierrez, Sarah Lahbati and Zion (Photo from www.flickr.com/photos/tillyholland/14524048746)
Source: UGC

"Honeymooners," sabi ni Lahbati sa caption ng nasabing mga litrato.

"With you time stands still my love," hirit naman ni Richard sa kanyang IG post ng parehong mga litrato sa kanyang Instagram.

Ikinuwento rin ni Lahbati sa isang post na nag-meditate at nag-yoga rin silang mag-asawa sa naturang resort, at sumabak sa treatments tulad ng aqua deep tissue therapy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Richard Kristian Rama Gutiérrez o kilala sa kanyang screen name na Richard Gutierrez ay isang aktor, modelo at TV host. Isa siya sa anak ng beteranong aktor na si Eddie Gutierrez at ni Anabel Rama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Sarah Labati ay isang Filipino-Moroccan actress na sumikat matapos tanghaling StarStruck V's Ultimate Female Survivor ng 5th season of StarStruck, isang talent show sa GMA-7.

Matatandaang inanunsiyo ng mag-asawa na napagpasyahan nilang i-postpone muna ang engrandeng kasalan bunsod ng pandemic. Gayunpaman, itinuloy nila ang pagpapakasal noong Marso 14.

Hindi na muna nila itinuloy ang kanilang nakaplanong magarbong kasalan kundi isang simple at intimate wedding na lamang ang nangyari kung saan tanging piling tao lamang ang nakadalo kabilang na ang kani-kanilang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel