Empleyado ng mall, nakapagpatayo na ng sariling bahay na may tatlong kwarto
- Hinangaan ang isang 26-anyos na empleyado ng mall na nakapagpatayo na ng sarili niyang bahay
- Bunso siya sa pitong magkakapatid at agad siyang nagpagawa ng bahay para sa mga magulang na pawang mga senior citizen na
- Hindi raw siya kailanman nag-abroad at talagang pinag-ipunan niya sa pagtatrabaho sa isang fashion boutique sa mall
- Balak pa niya itong patayuan ng ikalawang palapag ngunit pag-iipunan pa niya muli ang panggastos dito
Marami ang napabilib ng 26-anyos na netizen na si Naz Arene na nakapagpatayo na ng sarili niyang bahay sa Nueva Ecija.
Nalaman ng KAMI na empleyado sa isang fashion boutique si Naz sa Maynila ay ni minsan ay hindi raw siya nag-abroad.
Ibinahagi niya ang kanyang kwento sa Lovely House Designs upang maka-inspire sa maraming nagnanais na magkaroon ng sariling bahay.
Sariling sikap at sakripisyo sa pag-iipon ang kanyang ginawa upang mabigyan ng maayos na tirahan ang kanyang mga magulang na pawang mga senior citizen na.
Bunso raw si Naz sa pitong magkakapatid at ang pagpapatayo ng bahay ay regalo niya sa sarili at sa kanyang mga magulang habang kapiling pa raw niya ang mga ito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sinimulang gawin ang bahay nitong Enero ng kasalukuyang taon at pansamantalang nahinto nang mailagay sa enhanced community quarantine ang karamihang bahagi ng bansa dahil sa paglaganap ng COVID-19.
Hunyo nang maipagpatuloy ang paggawa ng kanilang tahanan na pintura na lamang ang kulang. Mayroon itong tatlong kwarto at isang palikuran kaya naman masasabing may kalakihan din ang kanyang nagastos dito.
Balak pa niyang palagyan ito ng ikalawang palapag ngunit pag-iipunan niya pang muli ito. Sa ngayon, halos ₱900,000 na ang nagastos niya rito.
Napakasarap daw talaga sa kanyang pakiramdam na sa kanyang murang edad ay nakapagpundar na siya at hindi pa niya kinailangang lumayo ng husto sa kanyang pamilya para lamang maisakatuparan ito.
Sana raw ay maka-inspire ang kanyang kwento ng tagumpay sa iba at patunay lamang ito na walang imposible sa taong naniniwala sa sarili niyang kakayahan ay may tamang timpla ng determinasyon sa pag-abot ng mga pangarap niya sa buhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi nalalayo ang kwento ni Naz Arene sa isang gasoline boy sa Maynila na nakapagpatayo na rin ng sarili niyang bahay kahit pa hindi kalakihan ang kanyang sinasahod sa trabaho.
Sa halagang ₱250,000 isang simpleng tahanan ang naipatayo ng gasoline boy sa kanilang probinsya sa Pampanga na malapit na nilang matirahan
Habang ang ilan ay mabilis na nakakapagpundar ng sariling bahay dahil sa pag-aabroad, ang ilan naman na nananatili sa bansa ay naisasakatuparan pa rin ang mga simpleng pangarap para sa kanilang pamilya nang di lumalayo sa kanila.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh