COVID-19 cases sa Pilipinas, pumalo na sa mahigit 100,000

COVID-19 cases sa Pilipinas, pumalo na sa mahigit 100,000

- Lumagpas na sa mahigit 100,000 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

- Ito ay matapos ilabas ng Kagawaran ng Kalusugan ang 5,032 panibagong kaso ng COVID ngayong Linggo, August 2

- Pumalo na sa 103,185 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID sa bansa

- Matapos ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, hiniling ng medical frontliners na muling ibalik sa ECQ ang buong Metro Manila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumagpas na sa 100,000 ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay matapos ilabas ng Kagawaran ng Kalusugan ang panibagong kaso na umabot sa 5,032 ngayong araw lamang, Linggo, August 2, 2020.

Umabot na sa 103,185 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID sa bansa. Nakapagtala rin ng 301 pang recoveries; 65,557 sa kabuuan at nadagdagan naman ng 20 ang nasawi; 2,059 sa kabuuan.

Matatandaang matapos ang patuloy na mabilis na pagtaas ng kumpirmadong kaso ng COVID sa bansa, hinimok ng mga medikal fronliners ang pamahalaan na muling ibalik ang Metro Manila sa ECQ o enhanced community quarantine upang mabawasan ang bilang ng taong lumalabas na nakakadagdag sa pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa.

COVID-19 cases sa Pilipinas, pumalo na sa mahigit 100,000

API via Getty Images
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hiniling ng mga frontliners na isailalim sa ECQ ang kalakhang Maynila sa loob ng dalawang linggo. Bunsod na rin ito ng patuloy na pagdami ng pasyenteng tinamaan ng COVID na nagsisiksikan na sa mga pagamutan.

Kasalukuyang tinatalakay ang magiging sunod na hakbang ng pamahalaan kasunod ng hiling ng mga medical frontliners.

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kamakailan ay naungusan na ng Pilipinas ang China sa dami ng kumpirmadong kaso ng COVID.

Samantala, nagbabala ang World Health Organization na maaring tumagal pa ang pandemyang dulot ng COVID-19.

POPULAR: Read more news about Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel