Alessandra de Rossi, naghayag ng prangkang opinyon sa pahayag ni Sen. Villar

Alessandra de Rossi, naghayag ng prangkang opinyon sa pahayag ni Sen. Villar

- Hindi napigilang magsalita ni Alessandra de Rossi kaugnay sa pahayag ni Senator Cynthia Villar kaugnay sa hiling ng mga medical frontliners

- Matatandaang hiniling ng medical frontliners na muling isailalim sa ECQ ang Metro Manila sa loob ng dalawang linggo

- Ito ay upang mapabagal ang lumulubong bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Marami ang umalma sa naging pahayag ng senadora kabilang na ang ilang mga kilalang personalidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging ang aktres na si Alessandra de Rossi ay naglabas ng saloobin hinggil sa naging tugon ni Senator Cynthia Villar sa panawagan ng medical frontliners na muling isailalim sa enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Sa isang tweet, ibinahagi ng award-winning actress ang link ng isang write-up tungkol sa pahayag ng senadora. Kasabay nito, ibinahagi niya ang kanyang mensahe upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa mga frontliners.

Alessandra de Rossi, naghayag ng prangkang opinyon sa pahayag ni Sen. Villar

Alessandra de Rossi (Photo from picture alliance via Getty Images)
Source: Getty Images

Aniya, "I think sa sobrang buti na-tegi na po yung iba. Kill them with kindness, at least! Lahat nagkakasakit sa pagbubuti nilang mapagaling ang mundo. Wag po natin silang bayaan dahil sila rin kailangan natin pag tayo na ang magkasakit."

Matatandaang umani ng batikos ang pahayag ni Cynthia Villar kaugnay sa kahilingan ng mga frontliners.

Nakilala ang aktres sa kanyang pagiging prangka at masayahing ugali. Kaya naman marami ang naghayag ng kanilang paghanga sa paglabas nito ng saloobin hinggil sa isyu.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi din pinalampas ng aktres ang isang komento mula sa isang Facebook user na tumuligsa sa naging kahilingan ng medical frontliners matapos ang mabilis na pagdami ng COVID cases sa bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Alessandra de Rossi ay isang Pinay actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang mga pelikula kagaya ng Azucena, Kita Kita at kamakailan ay ang trending na Through Day and Night.

Inamin ng aktres na kahit naging maganda ang kinalabas ng pelikulang Through Day and Night, hindi umano si Paolo Contis ang kanyang first choice na makatambal niya.

Kamakailan ay umingay din ang kanyang pangalan matapos siyang intrigahin ng ilang netizens kaugnay sa pagkakaibigan nila ni Angel Locsin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel