Tindero ng kakanin na may mabuting puso, nabiyayaan ng tulong

Tindero ng kakanin na may mabuting puso, nabiyayaan ng tulong

- Viral ang video kung saan pinakita ang kabutihan ng isang tindero ng kakanin

- Nagkunwaring kulang ang perang pambayad ng customer ngunit pinakain pa rin siya ng tindero

- Dahil sa kabaitang ipinakita ng tindero, nakatanggap siya ng di inaasahang biyaya

- Nang tanungin kung bakit niya nagawang tanggapin ang kulang na pambayad, sinabi nitong ito raw ang kanyang paraan upang makatulong sa kapwang nahihirapan din sa panahon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tindero ng kakanin na may mabuting puso, nabiyayaan ng tulong

Tindero ng kakanin na may mabuting kalooban (Photo from Team Katagumpay Facebook)
Source: Facebook

Umabot sa mahigit 3.9 million ang views ng video ng Team Katagumpay na natulungan ang isang kakanin vendor na may mabuting kalooban.

Nalaman ng KAMI na nagkunwari ang vlogger ng JayTV na kulang ang pambayad niya sa kakanin na nais niyang bilhin.

Ang totoong motibo niya ay upang masubok ang ugali ng tindero kung papayag ito na kulang ang pambayad ng customer.

Sampung piso ang halaga ng isang hiwa ng biko ngunit sinabi ng customer na limang piso lamang ang kanyang pera.

Nabanggit nitong gutom na gutom na siya ngunit kulang ang dala niyang pera.

Laking gulat niya nang pumayag ang tindero na kahit kulang ang kanyang pambayad, pinakain pa rin siya nito.

Dahil sa kabutihan ng puso na pinakita ng tindero, doon na inilabas ng vlogger ang kanyang munting surpresa para rito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Isang grocery bag ang iniabot niya sa tindero na nagulat din sa di inaasahang biyaya.

Nang tanungin ng vlogger kung bakit tinanggap pa rin ng tindero ang bayad kahit pa ulang ito ng halos kalahati ng totoong presyo, sinabi niyang alam niya ang hirap ng sitwasyon ngayon na humaharap tayo sa pandemyang dala ng COVID-19.

Ito raw ang kanyang paraan upang makatulong sa kapwa niyang nahihirapan na rin sa krisis na nararanasan natin ngayon.

Bukod sa grocery items, inabutan din ng kaunting halaga ng vlogger ang tindero na pinagpasalamat niya nang husto.

Nabanggit din ng tindero na ipagdarasal niya ang vlogger na nagbigay sa kanya ng biyaya nang araw na iyon bago siya tuluyang namaalam dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakataba ng puso ang mga kaganapang ito na sa gitna ng pandemya, namumutawi pa rin ang pagtutulungan ng mga Pilipino.

Kahit na pare-pareho na tayong nakararanas ng krisis dahil sa COVID-19 na tila wala nang pinipili kung mayaman o mahirap ang isang tao, nakatutuwang isipin na nangingibabaw ang pagdadamayan natin para sa isa't isa.

Ang mga ganitong klaseng tagpo ang nagbibigay pag-asa sa atin araw-araw, at nagpapatunay na likas na may ginintuang puso ang mga Pinoy na hindi kayang tiisin ang bawat isa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel