Ebe Dancel, taos-pusong nagpasalamat sa mga frontliners sa isang emosyonal na liham

Ebe Dancel, taos-pusong nagpasalamat sa mga frontliners sa isang emosyonal na liham

- Naglabas ng saloobin ang kilalang OPM artist na si Ebe Dancel patungkol sa kalagayan ng mga medical frontliners sa bansa

- Taos-puso siyang nagpasalamat sa mga ito at sinabing alam niya ang hirap ng kanilang kalagayan

- Nakiusap din ang OPM artist na sa kabila ng pagod at hirap na nararanasan ng mga frontliners, sana raw ay patuloy silang lumaban at huwag tayong sukuan

- Karamihan sa mga komento ng naturang viral na post ay pawang mga pasasalamat ng frontliners na nakakita nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ebe Dancel, taos-pusong nagpasalamat sa mga frontliners sa isang emosyonal na liham

Ebe Dancel (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Emosyonal na gumawa ng 'open letter' ang sikat na OPM artist na si Ebe Dancel para sa mga medical workers at lalo na sa mga frontliners.

Nalaman ng KAMI na taos-pusong nagpasalamat ang OPM artist sa mga frontliners sa lahat ng sakripisyong ginagawa ng mga ito sa laban ng bansa kontra COVID-19.

Sa kanyang madamdaming post, sinabi ni Ebe na sa pagsusuot pa lang ng mga personal potective equipments ay hirap na ang mga health workers na hindi basta makakain, makapagbanyo o makapagpunas manlang ng pawis.

Naikwento niyang maging siya ay may mga kamag-anak ding doktor kaya naman dalangin niya ang kaligtasan ng mga ito sa araw-araw na pakikisalamuha sa mga pasyenteng nangangailangan ng pag-aalaga at pagkalinga.

"Ang totoo, pinipigilan ko ang luha ko ngayon habang ginagawa ko ang liham na ito para sa yo. Alam kong pagod na pagod ka na, marami ka pang maririnig tapos makakalimutan pang pasalamatan," ang emosyonal na pahayag ng OPM artist.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinabi rin niya ang paghanga sa mga medical frontliners at sinabing "biyaya" silang maituturing sa ating bansa.

"Alam kong kulang ka na sa tulog. Baka nga di mo pa mabasa ito eh. Ok lang sa akin. At ok din lang na mapagod, pero pakiusap, wag mo kaming susukuan," pakiusap pa ni Ebe.

Ipinangako rin niya sa mga ito na kapag dumating na ang araw na maayos na ang lahat at muli siyang makapagtatanghal, magpakilala lamang ang mga frontliners sa kanya at kanya itong yayakapin at saka tutugtugin ang paborito nitong awitin.

Sa pagtatapos ng kanyang liham, sinabi rin niyang habang buhay siyang magpapasalamat sa mga ito.

Karamihan sa mga komento ng naturang post ay pawang mga pasasalamat ng mga medical frontliners na nakakita nito.

Matatandaang kamakailan lamang nang makiusap na ang ilang mga doktor sa kinauukulan na kung maaari ay maibalik kahit na sa loob lamang ng dalawang linggo ang Metro Manila sa enhanced community quarantine.

Ito ay dahil sa hindi mapigilang pagdami ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito marahil ang naging dahilan ng paglabas ng madamdaming liham ni Ebe dahil aminado na ang mga medical frontliners na nakararamdam na sila ng pagod sa mga ospital na punong-puno na ng mga COVID-19 patient.

Si Ebe Dancel ang dating bokalista ng bandang Sugarfree na nagpasikat ng mga kantang "Burnout", "Makita kang Muli", "Hari ng Sablay" at iba pa.

Siya rin ang nasa likod ng magagandang awitin na "Wag ka nang umiyak", "Bawat Daan", Dapit Hapon." Nakasama rin niya si Gloc-9 sa sumikat na kantang "Sirena."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel