WHO, nagbabala na maaring tumagal pa ang pandemya ng COVID-19

WHO, nagbabala na maaring tumagal pa ang pandemya ng COVID-19

- Nagbabala ang World Health Organization sa posibleng pagtagal pa ng pandemyang kinahaharap ng buong mundo dahil sa COVID-19

- Ito ay base sa mga isinagawa nilang evaluation sa mga naganap sa loob ng anim na buwan na patuloy na pagkalat ng respiratory disease

- Mula Disyembre noong nakaraang taon, umabot na sa 18.1 million ang kabuuang bilang ng mga nagkaroon ng virus sa buong mundo

- Wala pa ring tiyak at siguradong bakuna na magsisilbing lunas sa nasabing virus na isang dahilan ng maaring paghaba pa ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

WHO, nagbabala na maaring tumagal pa ang pandemya ng COVID-19

World Health Organization Headquarters (Photo from Commons.Wikimedia)
Source: UGC

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang World Health Organization patungkol sa malaking posibilidad na tatagal pa ang nararanasang pandemya ng mundo dala ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na nitong Sabado, Agosto 1, nagkaroon ng pulong ang nasabing organisasyon sa ikaapat na pagkakataon mula nang magdeklara sila ng public health emergency of international concern (PHEIC), ang sinasabi nilang highest level of alarm noon pang Enero 30.

"WHO continues to assess the global risk level of COVID-19 to be very high," ayon sa pahayag ng organisasyon.

Ayon pa sa ulat ni Robin MIllard ng Agence France-Presse, umabot na sa 680,000 ang mga pumanaw dahil sa naturang respiratory disease. Mula Disyembre noong nakaraang taon nang magsimulang sumiklab ang paglaganap ng virus sa China, umabot na sa 18.1 million ang mga tinamaan nito sa buong mundo.

Ang deklarasyon ng sinasabing tila mas tatagal pang pandemya ay base sa isinagawang evaluation ng WHO sa loob ng anim na buwan na patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa halos lahat ng sulok ng daigdig.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Patuloy naman ang pagsuporta ng organisasyon sa mga bansang patuloy na tumutuklas ng posibleng lunas sa kinatatatukatang respiratory disease.

Subalit nilinaw nila na sa ngayon, ang mga lumalabas na bakuna ay wala pang katiyakan kung magiging positibo ang kalalabasan.

Umabot ng anim na oras ang pagpupulong na ginawa sa kanilang headquarters sa Geneva habang ang iba ay naka-video link. Inaasahang magkakaroon muli ng malawakang pagpupulong sa susunod na tatlong buwan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huling tala ng worldometers, nangunguna pa rin ang USA na may bilang na 4.7 million na mga nagpositibo sa virus.

98,232 naman ang huling tala ng Pilipinas mula sa datos na inilabas ng Department of Health nitong Agosto 1 na siyang naging dahilan kung bakit nasa ika-25 na pwesto na ang bansa sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Naungusan na natin ang China na sinasabing pinagmulan ng naturang virus na nasa ika-29 na pwesto ay may 84, 385 na naitalang kaso mula nang lumaganap ang naturang virus noong Disyembre 2019.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel