Alex Gonzaga, ibinahagi ang ilang kaganapan sa pamamanhikan ng Pamilya Morada

Alex Gonzaga, ibinahagi ang ilang kaganapan sa pamamanhikan ng Pamilya Morada

- Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang ilang kaganapan sa naganap na pamamanhikan ng kanyang kasintahang si Mikee Morada at ng kanyang pamilya

- Nagkasama ang pamilya nila sa isang family dinner na ginanap sa tahanan ng mga Gonzaga sa Taytay, Rizal

- Dumalo din ang kapatid ni Alex na si Toni, ang asawa nitong si Paul Soriano at ang anak nilang si Seve

- Pinasalamatan ni Alex ang kanyang mga followers sa kanyang ika-tatlong taong anibersaryo sa YouTube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging masaya at matagumpay ang pamamanhikan nina Mikee Morada sa pamilya ni Alex Gonzaga. Sa pagdiriwang ng kanyang ika-tatlong taon sa YouTube, napagpasyahan ni Alex na ibahagi sa kanyang mga subscribers ang isang mahalagang bahagi ng kanyang buhay.

Ibinahagi niya ang naging paghahanda ng kanyang pamilya sa pagbisita ng pamilya ng kanyang mapapangasawa. Bukod sa magandang gayak ng kanilang dining table, nagpahanda din sila ng mga pagkain para sa kanilang family dinner.

Alex Gonzaga, ibinahagi ang ilang kaganapan sa pamamanhikan ng Pamilya Morada

Alex Gonzaga (Photo from www.flickr.com/photos/danealegana/14448615134)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi din nawala sa mahalagang okasyon ang ate ni Alex na si Toni Gonzaga. Kasama niya ang kanyang mag-amang sina Paul Soriano at Seve.

Pagkatapos ng kanilang family dinner, masayang nagpaalam ang pamilya ni Mikee. Isang taos-pusong pasasalamat ang ibinahagi ni Alex sa huling bahagi ng kanyang video. Aniya, dahil hindi niya magawa na maipagdiwang ang kanyang ikatlong taon sa kanyang mga supporters, napagpasyahan niyang ibahagi na lamang ang mahalagang pangyayari sa kanya.

Si Catherine "Cathy" Cruz Gonzaga, o mas kilala bilang Alex Gonzaga, ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Si Mikee Morada, isang businessman, ang kasalukuyang boyfriend ni Alex. Naging open sila sa kanilang relasyon noong January 2017. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ibinahagi ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga ang kanyang saloobin hinggil sa pagpapasara ng ABS-CBN.

Hindi din napigilang mag-react ni Alex sa sinabi ng isang netizen na malapit ang kaniyang pamilya sa mga Marcos.

POPULAR: Read more news about Alex Gonzaga here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel