Doktor, iniwan ang tungkulin para maalagaan ang misis na 2 beses tinamaan ng COVID-19

Doktor, iniwan ang tungkulin para maalagaan ang misis na 2 beses tinamaan ng COVID-19

- Pansamantalang iniwan ng isang medical frontliner ang kanyang tungkulin para sa kanyang misis na nagpositibo COVID-19

- Isa ring doktor ang kanyang misis na matapos na maka-recover sa COVID-19 ay muling tinamaan ng virus

- At dahil sa mas malala ang naging epekto ng virus sa misis sa pangalawang pagkakataon, nagdesisyon siyang iwan ang tungkulin upang mas maalagaan ang kanyang asawa

- Patuloy niyang pinagdarasal ang tuluyang paggaling ng kanyang misis at kasama sa panalangin na di na muli silang gambalain pa ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Doktor, iniwan ang tungkulin para sa misis na dalawang beses tinamaan ng COVID-19

Jerome at Karen Senen (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Isang medical frontliner ang hindi nagdalawang isip na pansamantalang iwan ang kanyang tungkulin upang maalagaan ang kanyang misis na may COVID-19.

Nalaman ng KAMI na pangalawang beses na ng misis nito na si Karen Abat-Senen na magkaroon ng virus.

Matatandaang si Karen ang doktorang napakanta sa sobrang saya dahil naka-recover na siya sa virus subalit ilang araw lamang mula nang makalabas sa ospital ay muli na naman siyang nag-positibo.

Dahil dito, kinailangang ibalik muli sa ospital ang doktora lalo na at mas naging malala ang tama ng COVID-19 sa kanya sa pangalawang pagkakataon.

Sa kanya mismong Facebook, makikita ang update kung saan nabanggit na "more severe" ang kalagayan ng doktora sa pangalawang beses na pakikipaglaban niya sa virus at nangangailangan na sila ng plasma donors upang mas mapabilis ang pagpapagaling nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman nagdesisyon na ang mister ni Karen na si Jerome na alagaan ang misis sa laban nito sa COVID-19.

Nagsilbing tirahan na rin ni Jerome ang ospital para lamang masubaybaysan ang araw-araw na kalagayan ng kanyang asawa.

"Nagdadasal ako. Paulit-ulit na dasal, paulit-ulit na pagtawag sa Taas. Humihingi ako ng saklolo. To the point na sabi ko Lord, I surrender everything. Kayo na po ang bahala kay Karen," pahayag ni Jerome sa programang JuanLove ng GMA.

Sadyang mas mahirap magkaroon ng COVID-19 sa pangalawang pagkakataon ayon sa mga eksperto dahil tulad ng nagaganap kay Dra. Karen, mas pinahihirapan siya nito.

Kinailangang ipasok sa intensive care unit ang doktorang nahirapan nang huminga na isa sa mga epekto ng kinatatakutang virus.

Sa kabila nito, patuloy na nagpapakita ng katatagan ang mag-asawa lalo na at hindi iniwan ni Jerome si Karen lalo na sa ngayon na matindi ang pinagdaraanan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masasabing buwis-buhay talaga ang serbisyong ibinibigay ng mga medical frontliners natin sa laban kontra COVID-19.

Kamakailan ay nanawagan ang ilang doktor sa national capital region na kung maaari ay ibalik kahit na dalawang linggo lamang sa enhanced community quarantine ang rehiyon upang kahit na paano'y mapigilan ang patuloy na paglobo ng bilang ng COVID-19 sa bansa. Aminado rin sila na nakararamdam na sila ng pagod sa araw-araw na pakikibaka sa mga ospital at karamihan na rin sa kanila'y tinatamaan ng virus tulad ng nangyari kay Dra. Karen.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel