6 saksi sa pagpatay kay Lucero at pagdukot kay Amatorio, hawak ng NBI

6 saksi sa pagpatay kay Lucero at pagdukot kay Amatorio, hawak ng NBI

- Hawak na ng NBI ang anim na testigo sa pagpatay kay Jang Lucero, pagdukot sa nobya nito na si Meyah Amatorio at pagpatay sa pamangkin ng huli na si Adrian Ramos

- Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga ito sa media ngunit maingat na iniharap na ito ng NBI Laguna sa camera

- Ayon sa direktor ng NBI, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte raw ang nag-utos para tutukan ang brutal na pagkamatay ni Lucero at Ramos at pagdukot kay Amatorio

- Nananawagan din ang mga awtoridad sa mga taong maaaring makatulong sa kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Anim na testigo na ang hawak ng National Bureau of Investigation (NBI) na may kaugnayan sa kaso ng pagkamatay ni Jang Lucero, pagdukot sa nobya nito na si Meyah Amatorio at pagpatay sa pamangkin ng huli na si Adrian Ramos.

Ayon sa report ng 24 Oras nitong August 1, hindi pa nagbigay ng pahayag sa media ang mga saksi pero maingat itong iniharap ng NBI Laguna sa camera.

6 saksi sa pagpatay kay Lucero at pagdukot kay Amatorio, hawak ng NBI

6 saksi sa pagpatay kay Lucero at pagdukot kay Amatorio, hawak ng NBI
Source: Facebook

Ayon sa NBI, mahalaga ang magiging papel ng mga saksi upang malaman ang nangyari sa mga biktima.

Lalo pa at kabi-kabila umano ang naglalabasang balita sa social media kaugnay ng kasong ito.

"Ma-secure natin 'yung mga witness, kasi nakita mo na may dinukot at may namatay na naman. 'Yung mga Facebook post na lumalabas parang nililigaw nila 'yung imbestigasyon sa pagbibigay ng mga iba-ibang suspects, ineeksamin na ng Cyber Crime division natin" ayon kay Atty. Eric Distor, direktor ng NBI.

Ayon kay Distor, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte raw ang nag-utos na tutukan ang kaso.

Iniutos daw ni Pangulong Duterte na alamin nila ang ugat ng malagim na krimeng ito.

"No less than the president ay nakatutok at nakasubaybay sa kasong ito. At ang sabi niya 'alamin mo ang buong katotohanan'," sabi ni Distor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nananawagan din ang mga awtoridad sa mga taong maaaring makatulong sa kaso na makipag-ugnayan sa kanila.

Matatandaang naging kontrobersyal ang kaso ng pagkamatay ni Lucero, ang babaeng driver na natagpuang tadtad ng saksak sa Laguna noong June 28.

Isang Ann Shiela Belarmino, dating kasintahan ni Amatorio, ang dinakip ng mga pulis at itinurong suspek ngunit pinalaya rin kinalaunan ng PNP Laguna dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Ang pamilya naman ni Lucero, pinaimbestigahan si Amatorio na pinaniniwalaan ng mga ito na may kinalaman sa pagkamatay ng biktima.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang itinanggi ni Amatorio ang mga akusasyon laban sa kanya.

Pero nito lamang July 29, pumutok ang balitang dinukot si Amatorio at ang pamangkin nito na si Ramos sa kanilang tahanan ng limang 'di pa nakikilalang mga suspek.

Makalipas ang ilang oras, natagpuan ang bangkay ni Ramos ilang metro ang layo sa lugar kung saan naman nakita ang bangkay ni Lucero noong June, habang si Amatorio ay patuloy pa ring nawawala.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel