Reaksiyon ng nanay ni Ivana Alawi sa pag-aakalang inatake si Alex Gonzaga, viral

Reaksiyon ng nanay ni Ivana Alawi sa pag-aakalang inatake si Alex Gonzaga, viral

- Nagsanib pwersa sina Alex Gonzaga at Ivana Alawi upang i-prank ang kapatid at ina ni Ivana

- Nagpasabog ng aliw at katatawanan ang dalawa sa maituturing na pinakasikat na Pinay YouTuber

- Nagkunwaring inatake ng allergy si Alex Gonzaga habang kumakain para sa isang mukbang video kasama sina Ivana at Mona Alawi

- Kinaaliwan ng mga netizens ang naging reaksiyon ng nanay ni Ivana na halatang nataranta ng sobra

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ng netizens ang bagong video ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel. Kinuntsaba niya si Alex Gonzaga upang maisagawa ang prank sa kanyang ina at sa kanyang kapatid na si Mona Alawi.

Ito umano ang pambawi ni Ivana sa prank ng kanyang ina at kapatid na nakapagpaiyak sa kanya.

Isang mukbang video ang kanilang ginawa. Sea foods ang karamihan sa inihandang pagkain ng ina ni Ivana. Aminado itong idol niya si Alex.

Habang kumakain ay si Mona ang nagbabasa ng mga tanong para kina Ivan at Alex. Tarantang-taranta sina Mona at Mommy Fatima nang biglang nagkunwari si Alex na nahihirapang huminga.

Reaksiyon ng nanay ni Ivana Alawi sa pag-aakalang inatake si Alex Gonzaga, viral

L-R: Mommy Fatima, Alex Gonzaga, Mona Alawi and Ivana Alawi (Photo from mama.alawi/Instagram)
Source: Instagram

Aniya, allergic siya sa cayenne. Inamin ni Mommy Fatima na nilagyan niya ng cayenne ang kanyang niluto dahil kasama iyon sa ingredients at hindi niya umano alam na bawal iyon kay Alex.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang natataanta, lumapit si Mommy Fatima kay Alex upang matulungan ito. Binuhat niya ito mula sa likuran at hinagod sa batok na ginagawa sa mga taong nabubulunan.

Matapos siyang muling buhatin ng natatarantang ginang, hindi na napigilan ni Alex ang matawa. Dito na at pinaalam nilang prank lamang ang lahat ng iyon.

Kahit tila nanlumo, natawa na lamang sina Mona at Mommy Fatima.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa StarStruck sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit anim na milyon ang kanyang YouTube subscribers sa loob lamang ng pitong buwan simula nang mag-umpisa siyang gumawa ng YouTube videos. Sa naunang ulat, ibinahagi ni Ivana kung gaano kalaki ang kanyang kinikita sa kanyang YouTube videos.

Dahil sa angking kagandahan at kasikatan, binansagan si Ivana bilang bagong pantasya ng bayan. Gayunpaman, hinangaan siya hindi lamang sa kanyang panlabas na anyo kundi pati sa kanyang ugali.

Ibinahagi niyang tinanggihan niya ang isang manliligaw ubod ng yaman. Minsan na rin siyang na-link kay DJ Loonyo.

POPULAR: Read more about Ivana Alawi here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel