Juliana Parizcova Segovia, ginulat ang netizens sa kanyang pasabog

Juliana Parizcova Segovia, ginulat ang netizens sa kanyang pasabog

- Marami ang naintriga sa social media post ng "Miss Q & A" grand winner na si Juliana Parizcova Segovia kamakailan

- Sa kanyang post, ibinahagi niya ang ilang litrato kasama ang isang misteryosong lalaking hindi niya pinangalanan

- Hindi din nakikita ang mukha ng lalaki sa kanyang ibinahaging mga litrato

- Gayunpaman, dahil sa kanyang nakaka-intrigang caption, maraming espikulasyon ang nagsilabasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hot topic ngayon sa social media ang maintrigang post ni "Miss Q & A" grand winner Juliana Parizcova Segovia. Sa kanyang mga ibinahaging mga litrato, may kasama siyang lalaking hindi niya pinangalanan.

Makikitang magkaakbay sila ng misteryosong lalaki ngunit hindi naipapakita ang mukha nito kaya marami ang naintrigan sa pagkakakilanlan ng lalaki.

Juliana Parizcova Segovia, ginulat ang netizens sa kanyang pasabog

Juliana Parizcova (Photo from juliana_parizcova/Instagram)
Source: Instagram

Sa isa sa mga ibinahaging litrato, ipinakita ni Juliana ang kanyang suot na diamond ring sa kanyang left ring finger.

“Talikuran natin ang mga mapang husga...Harapin nating dalawa ang umaga..Dahil sa dulo nito...IKAW LANG AT AKO, " ani Juliana sa caption ng nasabing mga litrato.

Marami ang napa "sana all" at naghayag ng kanilang kasiyahan para kay Juliana. Kabilang sina Jhong Hilario at Melai Cantiveros sa naghayag ng kanilang kasiyahan para sa TV host/comedian.

Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2018.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ang naging daan upang mapabilang siya sa ilang projects kagaya na lamang ng 2018 Metro Manila Film Festival official entry na Fantastica kasama sina Vice Ganda at Daniel Padilla. Minsan na ring naipalabas ang kwento ng buhay niya sa Maalaala Mo Kaya. Nakasama din siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ang Miss Q & A ay isang patimpalak sa It's Showtime para sa mga talentadong miyembro ng LGBTQ community. Inamin naman ni Juliana sa isang panayam na naubos na ang kanyang 1 milyong piso na napanalunan sa nasabing patimpalak.

Matapos makilala sa mundo ng showbiz, napasama si Juliana sa mga events ng mga celebrities kagaya na lamang ng ABS-CBN Ball kung saan naging usap-usapan din ang kanyang outfit.

POPULAR: Read more about entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel