Ilang doktor sa NCR, nananawagang ibalik sa ECQ ang rehiyon kahit 2 linggo lamang

Ilang doktor sa NCR, nananawagang ibalik sa ECQ ang rehiyon kahit 2 linggo lamang

- Nanawagan na ang ilang mga doktor sa Metro Manila na pansamantalang ibalik sa ECQ ang rehiyon kahit na sa loob lang ng dalawang linggo

- Nakararamdam na raw sila ng pagod sa patuloy na paglobo ng bilang ng COVID-19 partikular na sa Metro Manila na laging may pinakamaraming kasong naitatala sa buong bansa

- Sunod-sunod na rin ang pagdedeklara ng mga ospital sa rehiyon na 'full-capacity' na sila at hindi na kayang tumanggap na ng mga COVID-19 patients

- Kabilang pa rin ang Merto Manila sa inanunsyo ni Pangulong Duterte na sasailalim pa rin sa general community quarantine hanggang Agosto 15

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang doktor sa NCR, nananawagang ibalik sa ECQ ang rehiyon kahit 2 linggo lamang

Photo source: rawpixel
Source: UGC

Tahasan nang nanawagan ang grupo ng ilang doktor sa Metro Manila na kung maari ay maibalik sa enhanced community quarantine ang rehiyon kahit sa loob lamang ng dalawang linggo.

Nalaman ng KAMI na aminadong nakararamdam ng kapaguran ang mga frontliners sa hindi mapigilang paglobo ng bilang ng COVID-19 na umabot na sa mahigit 93,000 ngayong araw.

Sa panayam ng GMA news kay Philippine College of Physicians Vice President Dr. Maricar Limpin, sinabi nitong tila mainam na solusyon ang pansamantalang pagbalik sa ECQ ng lugar na may pinakamataas na bilang ng COVID-19 sa bansa.

"Ang gusto natin ay magkaroon muna tayo ng breather kasi kung mapapnsin ninyo, magmula nang nag-relax tayo ng community quarantine from ECQ to modified, doon nag-umpisa na umakyat ang dami ng nagkakaroon ng COVID-19," paliwanag ni Dr. Limpin sa panayam sa kanya ng Dobol B sa Dobol B.

Kinakailangan na raw itong gawin upang matigil ang patuloy na paglaganap ng virus.

Nauunawaan naman daw nilang iniisip din ng ating gobyerno ang estado ng ekonomiya ng bansa ngunit papaano raw maisasalba ito kung patuloy na nagkaka-virus ang mga tao at ang ilan pa ay nauuwi sa kamatayan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"Nakakapagod na. It's time to really put a stop doon sa pag-spread ng infection. I know ang gobyerno natin nag-iisip kung papaano ang economy pero ano ang gagawin natin sa economy kung unti-unti namang nagkakasakit at namamatay ang mga Pilipino?" dagdag ng doktora.

Kamakailan lamang ay patuloy ang pagdedeklara ng iba't ibang ospital sa Metro Manila na sila ay nasa 'full-capacity' na at hindi na basta makatatanggap pa ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Samantala, sa inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama pa rin ang National Capital Region sa patuloy na sasailalim sa general community quarantine mula Agosto 1 hanggang Agosto 15.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sadyang kahanga-hanga ang pinakikitang katatagan ng ating mga frontliners sa pagtugon nila sa laban ng bansa kontra COVID-19.

Ang ilan, kahit na tinamaan ng virus ay pilit pa ring bumabalik sa serbisyo habang ang iba naman ay idinaraan sa dasal ang tindi ng kinahaharap na sitwasyon sa araw-araw nila sa ospital.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel