Kapatid ni Jang Lucero, may mensahe kasunod ng pagdukot kina Amatorio

Kapatid ni Jang Lucero, may mensahe kasunod ng pagdukot kina Amatorio

- Nananawagan ng hustisya ang kapatid ni Jang Lucero, ang dalagang pinatay at tinadtad ng saksak sa Laguna noong Hunyo

- Ibinahagi ng dalaga ang balitang pagdukot sa nobya ni Jang na si Meyah Amatorio na may hashtag na "justice for my sister"

- Sa isa pang post, ibinahagi rin nito ang hinanakit matapos malaman ang mga umano'y pagdurusa ng namayapang kapatid sa piling ng minahal nito

- Noon lamang Miyerkules nang dukutin ng mga 'di pa nakikilalang lalaki si Meyah at ang pamangkin nito na si Adrian Ramos na natagpuang patay na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nananawagan ng hustisya ang pamilya ng pinaslang na si Jang Lucero, ang dalagang driver na nagtamo ng 52 saksak at natagpuang patay sa loob ng kanyang kotse sa Laguna noong Hunyo 28.

Sa pamamagitan ng Facebook, sumisigaw ng katarungan ang kapatid ni Jang na si Rena Jamce Carmel Macion para sa pagkamatay nito.

Ibinahagi rin nito ang balitang pagdukot sa nobya ng kapatid na si Meyah Amatorio at sa pamangkin nito na si Adrian Ramos na may kalakip na hashtag na "justice for my sister".

Kapatid ni Jang Lucero, may mensahe kasunod ng pagdukot kina Amatorio

Screen grab from Rena Jamce Carmel Macion Facebook account
Source: Facebook

Matatandaang inilapit ng pamilya Lucero ang kaso sa NBI at hiniling na maimbestigahan si Meyah. Naniniwala raw ang pamilya na may kinalaman ang dalaga sa pagkamatay ni Jang.

Sa isa pang post, ibinahagi rin nito ang hinanakit matapos malaman ang mga umano'y pagdurusa ng namayapang kapatid sa piling ng minahal nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"GRABE NA TALAGA MGA NABABASA KO TUNGKOL SA KAPATID KO SOBRANG NAAAWA LANG AKO KASI BAKIT KAILANGAN NIYA MARANASAN YUN LAHAT GUSTO LANG NAMAN NON NG MASAYANG BUHAY TSAKA MASAYANG PAMILYA PERO DI NIYA AKALAIN NA MAPUPUNTA SIYA SA MALING TAO," ayon sa post nito noong Hulyo 19.

Humihiling din ng tulong si Rena Jamce sa mga taong maaaring makatulong sa kaso ng kapatid.

Samanatala, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naiulat kaugnay sa paghahanap kay Meyah, matapos matagpuang patay ang pamangkin nito na si Adrian, ilang oras matapos silang dukutin.

Natagpuan ang bangkay ng binata ilang metro ang layo sa lugar kung saan nakita ang bangkay ni Jang.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman ang pagdukot sa dalawa at pagpatay kay Adrian sa pagkamatay ni Jang.

Umapela naman ang nanay ni Meyah kay Pangulong Rodrigo Duterte at humingi ng tulong para sa anak at pamangkin.

Iginiit nito na wala silang kinalaman sa pagkamatay ni Jang. Ngunit hindi na nagbigay pa ng karagdagang pahayag sa takot para sa buhay ni Meyah.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang itinanggi ni Meyah Amatorio ang pagkakasangkot niya sa brutal na pagpatay kay Jang Lucero.

Kamakailan lang ay dinakip ng mga pulis ang ex girlfriend ni Meyah na si Ann Shiela Belarmino na unang itinurong suspek ngunit pinalaya rin kinalaunan.

Sa kabila nito, nais pa rin ng pamilya ni Jang na imbestigahan ng NBI si Meyah.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel