Lumad na graduate ng nursing at medicine, napiling iskolar ng 'Eat Bulaga'
- Si Joeffrey Mambucon ay maswerteng matutulungan ng programang Eat Bulaga na makapag-board exam
- Ito ay matapos na mapahanga niya ang programa sa kanyang tagumpay na natamasa sa pagiging isang double-degree holder
- Bukod kasi sa kursong nursing, nakapagtapos na rin siya ng medicine sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute
- Siya ang kauna-unahang “New Normal EBest Scholar" ng Eat Bulaga kung saan naghahanap pa ng iba pang maaring maging iskolar ang programa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sagot na ng programang Eat Bulaga ang magiging gastusin ni Joeffrey "Otit" Mambucon sa para sa kanyang licensure exam.
Matatandaang si 'Otit' ang katutubong Lumad na double-degree holder na hinangaan ng marami nang maging contestant ito ng 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga.
Noong Hulyo 14, maging bahagi siya ng segment ng longest-running noontime show kung saan nabanggit niya na bukod sa pagiging graduate ng kursong medicine, una na siyang nakapagtapos ng ng nursing.
Naikwento ni Otit ang mabigat na dahilan niya kung bakit di niya pinakawalan ang pagiging iskolar ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute dahil sa matinding pangangailangan ng medikal na atensyon ng kapwa niya katutubo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Umani ng papuri si Otit sa determinasyon niyang ito na nagpapatunay na maging ang mga Lumad niya ay malayo rin ang maaring marating sa buhay.
Sa tulong ng bagong programa ng Eat Bulaga na “New Normal EBest Scholar”, kaagapay sila ni Otit sa pagre-review hanggang sa tuluyan na siyang makapag-exam.
Siya ang pinakaunang iskolar ng Eat Bulaga sa bagong programa nilang ito at naghahanap pa sila ng iba pang nursing at medicine graduates na nagnanais ng suporta para makapag-board exam.
Tunay na kahanga-hanga ang pagpupursigeng ginawa ni Otit kaya naman nararapat lamang na siya ay matulungan upang maisakatuparan na niya ang pagiging isang lisensyadong doktor sa kanilang lugar.
Biktima man ng pangungutya, napatunayan ni Otit na kahit ang tulad niyang isang katutubo ay makagagawa ng mga bagay tulad ng mga nakatira sa sibilisasyon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kaso pa ni Otit, mas nahigitan pa niya ang iba na dala-dalawa ang ang propesyon para lamang matulungan ang mga kapwa niya nangangailangan.
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show sa Pilipinas. Katunayan, ipinagdiriwang na nila ang ika-41 na anibersaryo.
Sa kasalukuyan, patok ang segment nilang "Bawal Judgmental" na pinakaaabangan tuwing tanghali dahil sa mga panauhin nilang nagbibigay inspirasyon sa marami.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh