24-anyos na lalaki, nagpakilalang anak umano ng aktor na si John Regala

24-anyos na lalaki, nagpakilalang anak umano ng aktor na si John Regala

- Isang lalaki ang nagpakilalang anak umano siya ng action star na si John Regala

- Lumapit ang isang barangay kagawad sa isang sikat na entertainment site upang ibahagi ang kwento ng isang John Santos

- Sabi ng kagawad, tatay umano ni John Santos si John Regala at matagal na raw nito gusto makilala ang ama niya

- Hiling ng kagawad, magkakilala na sana ang mag-ama lalo na ngayong may sakit ang beteranong aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang naging viral na litrato ng action star na si John Regala, isang lalaki naman ang nagpakilalang anak umano ng aktor.

Nalaman ng KAMI na nais umano ng bata na makilala ang kanyang ama lalo na ngayong may sakit ito.

24-anyos na lalaki, nagpakilalang nawawalang anak umano ng aktor na si John Regala

Larawan mula sa Flickr
Source: UGC

Ayon sa ulat ng PEP.ph, lumapit sa kanila ang isang Gloria Silva del Mundo, kagawad ng Brgy. Banjo East, Tanauan, Batangas, upang humingi ng tulong.

Sabi ni Gloria, nakilala niya ang 24-anyos na si John Santos dahil kaibigan ito ng kanyang anak. Matagal na umanong gusto makilala ni Santos ang kanyang biological father. Subalit, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para gawin ito.

Kwento pa ng kagawad, noong pumutok ang Bulkang Taal noong Enero, pumunta raw ang aktres na si Ynez Veneracion sa kanilang lugar at nangakong gagawa ng paraan upang magkakilala ang mag-ama. Pero, wala naman daw nangyari rito.

Dagdag pa ni Gloria, ang pangalan ng nanay ni John Santos ay Vilma Santos, kapangalan ng sikat na aktres sa bansa. Nagkakilala raw si John Regala at si Vilma sa Japan dahil entertainer umano ito roon.

“Nalaman ni John Regala na nagbuntis si Vilma, pero hindi siya naniwala na siya ang ama ng bata,” sabi umano ni Gloria.

"Noong seven years old si John [Santos], umuwi siya sa Batangas mula sa Japan. Ang lola niya ang kumupkop sa kanya,” dagdag niya pa.

24-anyos na lalaki, nagpakilalang nawawalang anak umano ng aktor na si John Regala

Larawan mula sa PEP.ph
Source: Facebook

Hiling ni Gloria, sana ngayon ay magkaroon na ng pagkakataon para magkakilala ang mag-ama at hindi pa naman huli ang lahat para magpakuha ng DNA test.

"Itong bata, matagal nang hinahanap si John. Hindi pa niya nakikita si John Regala mula noong seven years old siya,” aniya.

“Kagaya ngayon, may sakit na si John Regala, sana man lang magkita ang mag-ama. Parang ang sabi raw po nung tatay, hindi siya sigurado na anak niya si John [Santos]. Pero ang sabi ng ina, si John Regala ang tatay,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si John Regala ay isang kilalang action star at kontrabida sa Pilipinas. Noong 2011, nanalo pa siya bilang Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival dahil sa kanyang pag-arte sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Kamakailan, nag-viral ang post kung saan nakitang kaawa-awa si John Regala. Humihingi umano ng tulong ang beteranong aktor.

Ngayon, aminado siyang matindi ang kanyang pinagdadaanan sa buhay dahil bukod sa kanyang liver cirrhosis, nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng kanyang nanay at pag-iwan umano sa kanya ng asawa niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel