COVID-19 recoveries, umabot sa mahigit 38,000 sa loob lang ng isang araw

COVID-19 recoveries, umabot sa mahigit 38,000 sa loob lang ng isang araw

- Pumalo sa mahigit na 38,000 ang naitalang mga naka-recover sa COVID-19 ngayong araw, Hulyo 30

- Dahil dito, may kabuuang 65, 054 na ang bilang ng mga COVID-19 survivors sa Pilipinas

- Nasa mahigit 3,000 naman ang mga karagdagang kaso na naitala ngayong araw kaya umabot na sa halos 90,000 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa

- 23 ang naitalang pumanaw ngayon o 2.2% lamang ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng virus sa Pilipinas

COVID-19 recoveries, umabot sa mahigit 38,000 sa loob lang ng isang araw

Photo Source: Flickr
Source: UGC

Pag-asa ang hatid ng napakalaking bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 ngayong araw, Hulyo 30.

Nalaman ng KAMI na umabot ito sa bilang na 38,075 na sadyang nakamamangha sa loob lamang ng isang araw.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagtala ang bansa ng pinakamataas na bilang ng mga gumaling sa virus na halos nasa 40,000 sa isang araw lamang.

Dahil sa karagdagang bilang na ito, umabot na sa 65,064 ang mga survivors ng COVID-19 sa Pilipinas bases sa datos na inilabas ng Department of Health.

73% ito ng kasalukuyang bilang na 89, 374 ng mga kumpirmadong tinamaan ng virus.

Sa ngayon, 22, 327 na lamang ang active cases sa buong bansa dahil sa malaking bilang ng mga recoveries.

Samantala, 3,954 ang karagdagang bilang ng confirmed cases ngayong araw at 1,703 sa bilang na ito ay mula sa National Capital Region.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinundan ito ng Cebu na may bilang na 958, Laguna na may karagdagang bilang na 177, Rizal na may 90 na bagong kaso at Cavite na may 87.

88% ng bagong bilang na ito ay mild cases habang 9.6% naman ng mga ito ay asymptomatic.

1.4% ang severe cases habang 1.0% lamang ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, 23 ang naitalang pumanaw ngayong araw dahil sa virus na siyang bumuo sa kasalukuyang bilang nito na 1,983 o 2.2% lamang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Kahapon lamang nang tuluyan nang maungusan ng Pilipinas ang China nang umabot na 85,000 ang huling tala sa bansa kahapon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mabilis pa ring tumataas ang bilang ng nagkakaroon ng COVID-19 lalo na at halos tatlong araw lamang ang lumipas nang nasa 80,000 pa lamang ito.

Patuloy pa rin ang pagpapaalala ng Department of Health patungkol sa mga safety protocols na dapat gawin tulad ng pagsusuot ng face mask lalo na kung nasa pampublikong lugar at ang pagpapanatili ng social distancing.

Ugaliin pa rin ang madalas na paghuhugas ng kamay at palagiang disinfection na siyang mainaw na armas pa rin upang makaiwas sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel