May-ari ng resto, tuloy ang pasahod sa mga empleyado kahit tigil operasyon ng ilang buwan

May-ari ng resto, tuloy ang pasahod sa mga empleyado kahit tigil operasyon ng ilang buwan

- Patuloy na sinuportahan ng may-ari ng isang restaurant ang kanilang mga empleyado sa kabila ng ilang buwan nilang tigil operasyon dahil sa pandemya

- Ito raw kasi ang turo at bilin ng kanilang mga magulan patungkol sa pagtrato ng kanilang mga trabahador kung saan dapat nila itong ituring na mga kapamilya rin

- Unti-unti na ring nakakabangon ang restaurant matapos ang ilang buwan kaya naman may kinikita na rin muli sila na siyang ipinasasahod sa kanilang mga tauhan

- Sa kabila ng matinding pagsubok na dala ng COVID-19, hindi nila isinara ang restaurant na siyang buhay na nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May-ari ng resto, tuloy ang pasahod sa mga empleyado kahit tigil operasyon ng ilang buwan

Photo: Maica Tiu, owner of Sangkap source: Facebook
Source: Facebook

Kahanga-hanga ang pagmamalasakit ng may-ari ng restaurant sa Ermita na 'Sangkap' na patuloy na sinuportahan ang mga empleyado kahit pa ilang buwan silang natigil sa operasyon.

Nalaman ng KAMI na dahil sa krisis na dala ng COVID-19, ilang buwan ding walang operasyon ang kainan na kilala sa lugar dahil sa mga putaheng Pinoy.

Ayon sa panayam ni Mariz Umali ng 24 Oras sa may-ari ng kainan na si Maica Tiu, kahit nawalan sila ng kita na ₱35,000-₱40,000 kada araw sa pandemya, hindi pa rin nila pinabayaan ang kanilang mga empleyado na sila lamang din ang inaasahan.

"Ang turo sa akin ng mga magulang ko na 'yung mga empleyado po namin hindi lang po sila empleyado, pero parte din po sila ng pamilya namin dito sa Sangkap," paliwanag ni Maica.

"Kaya po kung ano man po ang mangyari sa kanila ay kargo po namin sila," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nang maari nang muling bumalik sa serbisyo, naisipan ng Sangkap na magkaroon ng ilang araw na donation drive para sa mga frontliners.

Ito rin ang nagbukas ng oportunidad sa mga empleyado nila na makabalik muli sa trabaho at tuloy pa rin ang kita.

Maging ang restaurant mismo ay unti-unti nang nakabangon mula sa ilang buwang sinubok sila ng pandemya.

Mula sa ₱2,000 na kita nila nang muli silang magbukas, kumikita na muli sila ngayon ng nasa ₱15,000-₱20,000 kada araw.

"Ito po 'yung bread and butter namin for a very long time. Kaya kung bibitawin namin siya o isasara namin siya, para na din po kaming sumuko sa mga gusto naming marating sa buhay," pahayag ni Maica.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng matinding hagupit ng pagsubok na dala ng COVID-19, dito pa rin natin nakita ang pagtutulungan ng bawat Pilipino at pagmamalasakit natin sa isa't isa.

Ang ilan, naipakita rin ang diskarte sa buhay na kahit malayo na sa kanilang propesyon ang nahanap na mapapagkakitaan, pinasok pa rin nila alang-ala sa pamilya patuloy na umaasa sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel