Anak, proud sa mga magulang na senior citizen na parehong naka-recover sa COVID-19

Anak, proud sa mga magulang na senior citizen na parehong naka-recover sa COVID-19

- Binahagi ng isang anak ang naging karanasan ng kanilang pamilya nang tamaan ng COVID-19 ang kanyang mga magulang

- Parehong mga senior citizen ang kanilang mga magulang na maituturing na parehong high-risk sa COVID-19

- Unang nagkaroon ng virus ang ate ng nagbahaging netizen at kalaunan ay nagpositibo rin nag kanilang mga magulang

- Laking pasalamat nila na di gaanong pinahirapan ng virus ang kanilang mga magulang at agad na naka-recover ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak, proud sa mga magulang na senior citizen na parehong naka-recover sa COVID-19

Photo: Mga magulang ni Mac Lalu Concepcion Source: Facebook
Source: Facebook

Kahanga-hanga ang katatagan ng pamilya ng netizen na si Mac Lalu Concepcion kung saan tatlong miyembro sa kanilang pamilya ang nakipaglaban sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na kasama sa tatlong ito ang mga magulang ni Mac na pawang mga senior citizen na.

Alam naman natin na ang mga may edad na 60 pataas ay kabilang sa mga tinatawag na high-risk sa virus.

Nangangahulugang labis na mapanganib na magkaroon ang mga senior citizen ng COVID-19 dahil sa kanilang edad at estado ng kalusugan.

Unang nagkaroon ng virus ang ate ni Mac. Naalala niyang pinauwi siya nito mula sa trabaho nang malamang positibo siya sa virus.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naisip din agad ng kanyang ate ang kanilang mga magulang na kasama nila sa bahay.

Agad din nila itong pina-test upang makasiguro. Habang hinihintay nila ang resulta, lagi na nilang mino-monitor ang nararamdaman ng mga magulang na pawang malalakas pa rin naman.

Ngunit sa kasamaang palad, lumabas pa rin na positibo ang dalawa.

Nakaramdam man ng takot ngunit humanga si Mac sa kanyang nanay at tatay na kalmado na nagpa-admit sa osapital kasama ng kanyang ate.

Mahirap man ang kanilang kalagayan ngunit laking pasalamat ni Mac na nakakamusta pa rin niya ang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng video call.

Matapos ang ilang linggong pakikipaglaban sa virus, nagnegatibo na ang kanyang mga magulang gayundin ang kanyang ate.

Malaking bagay daw kasi na simula nang lumaganap ang COVID-19, panay na lalo ang pagpapainom nila ng vitamins sa mga magulang. Ito marahil ang dahilan kung bakit napaglabanan ng kanilang katawan ang bagsik ng virus na hindi sila gaanong pinahirapan ng ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paalala rin ni Mac na hindi dapat pagdirihan, katakutan lalo na ang pagchismisan pa ang sinumang mayroong COVID-19.

Tulad ng ginawa ng isang kapitbahay sa isang COVID-19 patient na imbis na layuan, araw-araw pa niyang dinadalhan ng mga pangunahing pangangailangan nito upang mapabilis din ang paggaling nito.

Kalakip din nito ang mga pahayag ng kapitbahay upang palakasin ang loob ng pasyente.

Nakatutuwang isipin din na dumarami ang bilang ng mga pasyenteng senior citizens na sa kabila ng kanilang edad ay napaglalabanan at nakaka-recover pa rin sa virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel