Gurong pinapasok sa paaralan sa Maynila, lumabas na positibo sa COVID-19

Gurong pinapasok sa paaralan sa Maynila, lumabas na positibo sa COVID-19

- Isang guro sa Maynila ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na makaramdam ng ilang sintomas

- Napag-alamang siya rin ang presidente ng The Teachers' Dignity Coalition (TDC) Manila chapter na pumasok sa paaralan nila kasama ang nasa 30 pa na kapwa niya guro

- Hulyo 22 nang isagawa ang swab test sa guro matapos na makaramdam ng ilang sintomas ng virus

- Kasalukuyang naka-home quarantine ang guro sa kanilang tahanan sa Marilao, Bulacan

- Pansamantala ring ipinasara ang paaralang pinasukan ng guro upang madisinfect

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gurong pinapasok sa paaralan sa Maynila, lumabas na positibo sa COVID-19

Photo: COVID-19 testing kit source: Google Images
Source: UGC

Nagpositibo ang isang guro ng Manuel A. Roxas Senior High School sa Manila matapos na makaramdam ng sintomas ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na ang gurong ito ay ang presidente ng The Teachers' Dignity Coalition (TDC), Manila chapter na si Ildefonso "Nono" Enguerra III.

Hulyo 22 nang sumailalim siya sa swab test matapos niyang magkaroon ng mataas na lagnat, ubo, sipon, pangangati ng lalamunan at nawalan din siya ng pang-amoy at panlasa.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, Hulyo 14 nang mag-report ang guro sa nasabing paaralan kasama ang nasa 30 pang mga kasama sa trabaho upang tapusin ang kanilang performance rating at para sa kanilang training ng Google classroom

Nakaramdam din ng sintomas ang iba pa niyang mga kasama na sasailalim na rin sa COVID-19 test.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kasalukuyan nang ipinasara pansamantala ang paaralan upang maisailalim ito sa disinfection na tatagal hanggang sa Agosto 3.

Dahil sa pangyayaring ito, nanawagan ang grupong TDC sa Department of Education na huwag na munang i-require na magreport ang mga guro sa paaralan na siyang nagiging dahilan pa ng patuloy na paglaganap ng virus.

Tulad na lamang ng ibinigay na halimbawa ng grupo kung saan nasa 20 guro sa probinsya ng Quezon na kasalukuyang naka-self isolate matapos na makasalamuha ang isa nilang nakasama na positibo pala sa COVID-19.

Binigyang linaw naman ito ng Kagawaran ng Edukasyon na hindi nila inoobligang mag-report ang mga guro sa mga paaralan lalo na at may mga alternative work arrangements naman ang mga ito.

"It is reiterated... that physical reporting to the workplace [or] onsite is not mandatory, and shall be done in consultation with the personnel," pahayag ni Education Undersecretary Jesus Mateo sa isang memorandum na inilabas noong Hunyo 24.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang mismong si DepEd Secretary Leonor Briones ay nagkaroon din ng COVID-19, tatlong buwan na ang nakararaan. Lumabas na asymptomatic siya at matapos ang ilang linggong pakikipaglaban sa virus ay nagnegatibo na rin ito.

Samantala, ang ilang mga guro naman ay nakikipagsapalaran sa 'new normal' sa edukasyon. Dahil sa hindi pa nga sila pinapapasok sa paaralan, kanya-kanya sila ng diskarte kung paano makakadalo ng mga online seminars o 'webinars.' Ang ilan, umaakyat pa ng matataas na lugar, makasagap lamang ng internet connection.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel