Dalagang call center agent, natagpuang patay sa 1 motel sa Laguna

Dalagang call center agent, natagpuang patay sa 1 motel sa Laguna

-Wala nang buhay ang isang 27-anyos na dalaga nang matagpuan sa loob ng isang motel sa Laguna noong July 25

-Ang itinuturong suspek sa krimen ay ang ex-boyfriend nito na kasama nitong pumasok sa motel

-Nakuhanan pa ng CCTV ang pagpasok ng dalawa sa gusali

-Napag-alaman naman na mayroon nang asawa ang suspek na kinontak na raw ng mga pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa nang malamig na bangkay ang 27-anyos na dalaga at call center agent na si Crisanta Magadia nang matagpuan ito sa loob ng isang motel sa Laguna.

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA News, ang itinuturong suspek sa krimen ay ang ex-boyfriend nito na kinilalang si Rusco Alve, na kasamang pumasok ng biktima sa motel noong July 25.

Dalagang call center agent, natagpuang patay sa 1 motel sa Laguna

Screen grab from 24 Oras
Source: Facebook

Nakuhanan pa ng CCTV ang pagpasok ng dalawa sa motel bandang 6:00 ng gabi sakay ng isang single na motor.

Pero sa isa pang kuha ng CCTV bandang 12:00 ng madaling araw kinabukasan, mag-isa na lang ang suspek nang umalis mula sa motel, tangay-tangay ang bag na itim ng biktima.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, nag-break na umano ang dalawa, dalawang linggo na ang nakakaraan at marahil ay nagkasundo lang muli.

Posibleng nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa at humantong sa pagpatay sa biktima.

"Nag-break sila mga two weeks ago and then nagkaroon siguro ng reconciliation, nag-usap sila, pumunta ng hotel at dun na nangyari...Marahil hindi sila nagkaintindihan doon," ayon kay Police Lieutenant Colonel Danilo Mendoza.

Samantala, napag-alaman naman na mayroon na palang asawa ang suspek na kinontak na raw ng mga awtoridad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, sa Laguna rin, natagpuan ang bangkay ng 34-anyos na dalagang si Jang Lucero na tadtad ng saksak sa loob mismo ng kanyang kotse.

Ang kaanak ni Jang, nais paimbestigahan ang nobya nito na si Meyah Amatorio na una nang itinanggi ang pagkakasangkot sa krimen.

Nito lamang Miyerkules, tinangay ng limang 'di pa nakikilalang mga lalaki si Meyah kasama ang pamangkin nito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel