Babaeng walang suot na face mask, nagalit nang sitahin ng 1 lola

Babaeng walang suot na face mask, nagalit nang sitahin ng 1 lola

- Matapos sitahin ng isang matandang babae ang kapwa niya pasahero sa jeepney ay nagalit pa ito sa kanya

- Ang insidente, nakuhanan pa ng isang pasahero at ibinahagi sa social media

- Umani naman ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens ang ginawang ito ng babae lalo pa at patuloy na nadaragdagan ang bilang ng COVID-19 positive sa bansa

- Una ng sinabi ng mga awtoridad na posibleng managot o mag-multa ang sinumang hindi magsusuot ng face mask sa pampublikong lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang video na kuha sa loob ng isang pampasaherong jeepney.

Ayon sa uploader na si Daniza Salvadora, sinita raw ng isang matandang babae na pasahero sa jeep ang katabing babae na walang suot na face mask.

Pero paglilinaw ni Salvadora, maayos ang pakikipag-usap ng matanda sa babae.

Ngunit sa halip na humingi ito ng paumanhin ay nagalit pa ang babae sa matanda na mapapanood pa sa video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"One of the elderly nga passenger sa Jeep, politely reminder her na mag suot ug face mask," ayon sa netizen.

Posible kasing nabahala din ang matanda para sa sarili at para sa iba pang naroon dahil sa pagkalat ng coronavirus.

Concern lamang daw ang matanda para sa kanilang kaligtasan at pagsunod na rin sa kautusan sa kanilang lugar.

Una nang sinabi ng mga awtoridad na may posibleng maparusahan at mag-multa ang sinumang mahuhuli na walang suot na face mask sa pampublikong lugar.

Kaugnay pa rin ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 positive sa bansa.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens. Ang ilan sa kanila, sinabing hindi raw dapat hinayaan ng driver ng jeep na sumakay ang babae dahil wala itong suot na face mask.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 85,486 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health.

Patuloy naman na nagpapaalala ang mga awtoridad sa mga pasaway sa gitna ng pandemyang kinakaharap hindi lang ng Pilipinas, kung 'di maging ng buong mundo.

Kamakailan lang, isang print shop ang nahuling nangdodoktor ng mga COVID-19 test results!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel