Mister na nagreklamo kay Raffy Tulfo, di 'nakapagpigil' on air

Mister na nagreklamo kay Raffy Tulfo, di 'nakapagpigil' on air

- Labis na ikinabigla ni Raffy Tulfo ang ginawa ng isang mister na lumapit sa kanilang programa para ireklamo ang kanyang biyenan

- Habang on air kasi, tila hindi na nakapagpigil pa ang lalaki nang mag-tinga ito na agad na napansin ni idol Raffy

- Nangyari ito sa gitna nang pakikipagtalo nito sa biyenan at asawa sa kabilang linya

- Inirereklamo nito ang madalas na pangungutang daw ng kanyang biyenan na itinanggi naman nito at ni misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natawa na lamang si Raffy Tulfo nang mapansin ang ginawa ng mister na lumapit sa kanilang programa para ireklamo ang biyenan.

Habang on air kasi, tila hindi na nakapagpigil pa ang lalaking si Gregorio Guevarra Jr. nang mag-tinga ito na agad na napansin ni idol Raffy.

Mister na nagreklamo kay Raffy Tulfo, di 'nakapagpigil' on air

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Hindi tuloy naiwasan ni idol na tanungin kung ano raw ang ulam nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nangyari ito sa gitna nang pakikipagtalo ni Gregorio sa inireklamong biyenan na si Gemma Gallos at sa misis nito na si Wilma.

Ayon kasi sa complainant, madalas na mangutang sa kanya si Gemma at kapag hindi raw ito napagbigyan ay sinasabihan ang anak na hiwalayan na siya.

Mariin naman itinanggi ni Gemma ang paratang na palagi siyang nangungutang dito pero inamin na mayroon nga siyang nahiram na P2,000 dito.

Ayon naman kay misis, hindi palaging umuutang ang kanyang ina sa mister. Siya raw mismo ang may nais na tulungan ang kanyang magulang.

Pero bukod dito ay inireklamo rin ni Gregorio ang umano'y pangingialam ng biyenan sa kanilang mag-asawa na itinanggi rin ni Wilma.

Dahil dito ay sumama ang loob ni nanay Gemma at doon na nga sinabing dapat nang pag-isipan ni Wilma ang pakikisama sa mister.

Sinang-ayunan naman ito ni idol Raffy lalo pa at lumalim na ang hidwaan sa pagitan ng mga ito.

Pag-iisipan naman daw ito ni Wilma alang-alang sa anak na kinikilalang ama si Gregorio.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist sa bansa.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, sa isang pambihirang pagkakataon nagkaharap na sina idol Raffy at ang "Queen of all Media" na si Kris Aquino.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel