Pagkuha ng ilang lalaki kay Meyah Amatorio, ikwinento ng mga saksi

Pagkuha ng ilang lalaki kay Meyah Amatorio, ikwinento ng mga saksi

- Nababahala ang pamilya ni Meyah Amatorio matapos itong dukutin ng limang kalalakihan

- Ibinahagi rin ng ilang nakasaksing kaanak ang nangyaring pagdakip sa dalaga na nobya ng pinatay na si Jang Lucero

- Pati ang pamangkin nito ay dinakip din ng mga 'di pa nakikilalang suspek

- Isang larawan naman ang ipinakita ng isa sa mga saksi kung saan makikita ang pagdakip sa dalawa ng mga lalaking armado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagmamakaawa ang ina ni Meyah Amatorio sa mga lalaking dumukot sa kanyang anak at pamangkin.

Nauna nang naiulat ang pagdukot ng mga 'di pa nakilalang kalalakihan sa dalaga at pamangkin nito na si Adrian ngayong araw sa kanila mismong tahanan.

Sa report ng 24 Oras ng GMA News, ipinakita ng isa sa mga saksi ang video kung saan mapapanood na nabalot ng tensyon ang compound na tinitirahan ng mga Amatorio nang dumating ang mga suspek.

Ayon sa isang kaanak na nakasaksi, una raw dumating ang dalawang lalaki at sinabing may dala raw ang mga itong order mula sa korte at hinanap si Adrian.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang marinig daw ito ni Meyah ay sumilip ito ngunit maging ito ay dinakip na rin ng mga lalaki matapos dumating ang tatlo pang lalaki.

Sa isang larawan na ibinahagi ng isa pang saksi, makikita ang isang lalaki na may hawak na armas habang ang isa naman ay hawak si Adrian.

Sabi ng isa sa mga kaanak ni Meyah na tinutukan umano ng baril ay nagpaputok pa ang isang lalaki. Hindi na rin daw sila makalapit pa dahil nanunutok umano ang mga ito ng baril.

Sugatan naman ang ilan sa pamilya ng Amatorio na tinutukan at itinulak pa sa gitna ng pagdakip sa dalawa.

Sa isang CCTV footage, makikita pa ang pagsakay ng mga suspek sa isang sasakyan na sinundan ng dalawa pang sasakyan.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman ang insidente sa pagpatay kay Jang Lucero, ang nobya ni Meyah na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang kotse noong Hunyo.

Muli namang iginiit ng ina ni Meyah na wala silang kasalanan o kinalaman sa krimen.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang itinanggi ni Meyah Amatorio ang pagkakasangkot niya sa brutal na pagpatay kay Jang Lucero.

Kamakailan lang ay dinakip ng mga pulis ang ex girlfriend ni Meyah na si Ann Shiela Belarmino na unang itinurong suspek ngunit pinalaya rin kinalaunan.

Sa kabila nito, nais pa rin ng pamilya ni Jang na imbestigahan ng NBI si Meyah.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel