Pilipinas, naungusan na ang China sa dami ng kumpirmadong kaso ng COVID-19

Pilipinas, naungusan na ang China sa dami ng kumpirmadong kaso ng COVID-19

- Nalampasan na ng Pilipinas ang China sa bilang ng mga kumpirmadong tinamaan ng COVID-19

- Halos 1,500 na ang lamang ng Pilipinas sa China na pinaniniwalaang pinagmulan ng virus

- 1,874 ang karagdagang kaso ngayong araw kung saan halos kalahati pa rin ng bilang na ito ay mula NCR

- Karamihan din sa mga kasong ito ay pawang mild cases lamang habang ang ilan ay asymptomatic

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pilipinas, naungasan na ang China sa dami ng kumpirmadong kaso ng COVID-19

Photo Source: Google Images
Source: UGC

Naungusan na ng Pilipinas ang bansang China sa dami ng naitalang COVID-19 cases ngayong araw, Hulyo 29.

Nalaman ng KAMI na 1,874 na kumpirmadong kaso ang naitala ngayong araw na siyang bumuo sa bilang na 85, 486.

Sa huling tala ng Department of Health, 728 dito ay mula pa rin sa Metro Manila at sinundan naman ito ng bilang na 325 na mula naman sa Cebu.

130 ang naitala ngayon mula sa Laguna, 67 naman ay galing sa Iloilo habang 53 naman ang mula sa Rizal.

90.1% ng mga ito ay pawang mga mild cases, 9.0% naman ang asymptomatic habang 0.5% ang severe at 0.4% naman ang nasa kritikal na kalagayan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kasalukuyang may 56,528 na active cases ang bansa sa ngayon.

Nagbigay pag-asa naman ang bilang ng mga naka-recover ngayong araw na umabot sa 388 subalit mayroon pa ring 16 na naitalang pumanaw dahil sa virus.

Samantala, sa pinakahuling datos na ibinahagi ng Worldometer, ika-27 na ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo na sinundan ng China sa ika-28 na puwesto na may bilang na 84,060.

Nakalulungkot isipin na ito ay bunsod sa di bumababa sa 1,500 na kasong nadaragdag araw-araw na kapansin-pansin ang paglobo nang malagay ang karamihang lugar sa general community quarantine kabilang na rito ang National Capital Region na may pinakamaraming kasong naitatala sa isang araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hulyo 26, nang pumalo na sa lampas 80,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Dalawang araw lamang ang lumipas agad na nitong nahigitan ang bilang ng kaso ng China na pinaniniwalaang pinagmulan ng virus.

Maigting pa ring ipinapaalala ng Department of Health ang safety protocols tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask llalo na kung nasa pampublikong lugar, social distancing at ang palagiang paghuhugas ng kamay ay pagdi-disinfect.

Bagaman at nasa mas maluwag nang community quarantine ang karamihan ng lugar sa bansa, ugaliin pa ring manatili sa mga tahanan kung hindi naman kinakailangang lumabas lalo na at karamihan pa rin naman ng trabaho sa ngayon at work-from-home.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel