Kris Aquino at Raffy Tulfo, nagkaharap at nagkaprangkahan pa

Kris Aquino at Raffy Tulfo, nagkaharap at nagkaprangkahan pa

-Personal na binisita ng "Queen of all Media" na si Kris Aquino sa studio si idol Raffy Tulfo

-Inamin ni Kris na isa siyang fan ng tinaguriang "King of Public Service" at ganun rin naman daw si idol na inaming dati nang pinapanood ang mga show ng actress/host

-Naging prangka rin si Kris nang sabihin niyang magkaibigan sila ng kapatid ni idol na si Mon Tulfo kahit pa nga raw ayaw nito sa kapatid na si former president Noynoy Aquino

-Sinabi rin nito na nais niyang makatrabaho sa isang show si idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagkaharap ang "Queen of all Media" na si Kris Aquino at ang tinaguriang "King of Public Service" na si Raffy Tulfo.

Sa video na in-upload sa YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action, makikita ang personal na pagbisita ni Kris sa studio ng programa ni idol.

Kris Aquino at Raffy Tulfo, nagkaharap at nagkaprangkahan pa

Screen grab from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Dito, inamin nito na isa siyang fan ni idol at ganoon din naman daw si idol Raffy na sinabi pang dati ay pinapanood na niya si Kris sa telebisyon.

Panay naman ang papuri ni Kris kay idol lalo na sa pagtulong nito at pagtatanggol sa mga kababaihan na labis daw nitong hinahangaan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi rin nadalawang-isip ang sikat na actress/host na sabihing magkaibigan sila ng kapatid ni idol na si Mon Tulfo kahit pa nga raw ayaw nito sa kapatid na si dating presidente Noynoy Aquino.

Nais din daw ni Kris na magkaroon ng programa kasama si idol Raffy na tila aprubado naman dito!

Hindi rin pinalagpas ng aktres ang purihin ang koleksyon ng mga sapatos ni idol.

Habang si idol Raffy naman ay inamin na pinanonood ang mga vlogs ni Kris.

Batay sa video, nakatakdang muling magkaharap ang dalawa sa mga pinakasikat na personalidad sa bansa.

Umani naman ng sari-saring reaksyon ang naturang video at umabot na nga sa mahigit 100,000 ang views sa loob lamang ng ilang oras.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist sa Pilipinas.

Kilala ito dahil sa kanyang public service.

Kamakailan, isang COVID-19 positive ang lumapit dito upang ireklamo ang kanilang HOA. Pero sa halip na tulungan sa hinaing nito, nais na lang daw itong tulungan ni idol para makapagpagamot.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel